The Bad Girl's Gentleman = Code 22 = ANTICIPATION HEIGHTENS EVERY EMOTION. Ito 'yung pakiramdam na masasabi mong worth it ang pinakahihintay mo. At syempre kapag hindi sumangayon sa'yo ang resulta, matindi din ang disappointment. Matapos ang isang linggong nagpakalunod ako sa school works para hindi ko na mapansin ang mabagal na pagtakbo ng oras, I'm finally free. Undas Break ngayon, at dahil wala naman kaming binibisita, madali lang akong nakalusot kila Mama. Sabi ko lang mags-stay ako kay Stefan dahil iiwanan siya ng parents niyang mag-isa sa bahay pero sa katunayan, uuwi siya ng probinsya. And here I am, with Basil. In his car. On a Friday morning. On the way to the ranch. "Will you stop fidgeting?" he asks. It is obvious that he finds my nervousness funny but he's trying to conc

