The Bad Girl's Gentleman = Code 32 = YOU DON'T COME TO THE BATTLEFIELD UNARMED. Pero minsan hindi mo naman kailangan ng armas para pumunta sa gyera. Sometimes you just have to bring yourself. Lalo na kung hindi alam ng boyfriend mo kung anong alam mo. It is quite a surprise na hindi pa din nababanggit ni Basil sa'kin si Margaux. Wala lang ba talaga sa kaniya na nagbalik na ang first love niya? Was it really just nothing that it's not even worth mentioning? Hindi ko ma-determine kung anong theme ng party ngayon. Simpleng formal event lang yata. Konti lang ang ilaw at medyo madilim. May spotlight lang sa stage ng isang standee na nagsasabing magsisimula ang bidding ng alas-nuebe ng gabi. Pagpasok mo, may magp-picture na agad sa inyo. Tapos may nag-aabot ng catalog at auction paddle. May

