The Bad Girl's Gentleman = Code 36 = Everyone thinks fast. If both sides have met each other's parents, minsan mas excited pa ang mga taong nakapaligid sa kanila kaysa sa mismong couple. Nakaka-stress na lang talaga. Buong linggo walang ginawa si Stefan at Via kundi tanungin ako kung kailan daw ang kasal namin ni Baz. Nakakaloka na lang talaga. Kailan daw ba magkakaroon ng family dinner na present ang both sides. HINDI KO DIN ALAM! My dad really seems to like Baz though. My mom? Psh, alam ko namang boto siya do'n kay Baz. Mukha pa lang check na check na. Hindi nga muna kami nagkita ni Baz after namin sa golf club. Ewan ko ba, parang gusto ko na lang itahi 'yung sarili ko sa gilid niya. Sobrang miss ko na kasi ilang araw palang ang nakakaraan. Ite-text ko palang sana siya habang nakahi

