CARMELA Ito ang unang araw ko sa trabaho kaya hindi ko maiwasang kabahan. Sana lang ay hindi mainitin ang ulo ng boss ko. Tumakbo ako ng makita kong tatlong minuto na lang bago mag-alas syete. Traffic kasi kanina kaya medyo natagalan ako sa byahe. "Good morning, sir." Nakahinga ako ng maluwag dahil on time akong nakarating sa opisina ni Mr. Grande. Mabuti na lang talaga at mabilis akong tumakbo kahit nakasuot ako ng heels. "Tumingin ka sa salamin, Ms. Trinidad. Para kang hinabol ng sampung kabayo," pahayag ni Mr. Grande. Rene Caliber Grande pala ang full name niya. Pangalan pa lang, tunog mayaman na. Ilang taon na kaya siya? Basta may hinala akong mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Hindi ko maipagkakaila na gwapo siya. Kaya siguro marami siyang babaeng nauuto dahil sa itsura

