CARMELA Nakarating kay Daevon ang nangyari kahapon sa restaurant kaya agad niyang inutos na tanggalin si Melanie bilang endorser nila. Pati mga poster at billboard niya dito sa aming lugar ay pinatanggal na ng magaling kong asawa. Galit na galit siya ng makita niya ang sirang damit ko kahapon. Nang makauwi kami ay sinabi ko sa kaniya ang totoong nangyari. Akala ko ay magagalit siya sa akin subalit pinuri niya pa ako. Natatawa na lang ako kung paano ako suportahan ni Daevon. Sabado ngayon at walang pasok kaya maingay ang mag-ama ko sa living room. Mamaya kapag dumating si Elias ay parang palengke na ang mansyon ni Daevon. Habang inaayos ko ang mga litrato namin ay biglang sumulpot si Fedirich sa gilid ko. Nakakagulat naman ang batang 'to. Muntik ng mahulog ang frame na hawak ko.

