Chapter 9

2076 Words
CARMELA Naghintay ako kagabi kay Daevon ngunit hindi siya umuwi. Siguro kritikal ang lagay ni Ma'am Alisha kaya hindi niya maiwanan ang ina nito. Naagaw ni Cynthia ang aking atensyon kaya napatingin ako sa kaniya. "Ma'am, baba na po kayo. Nakahanda na po ang inyong agahan," magalang nitong sabi. "Sige, maliligo lang ako saglit." Nag-delete ako ng call history dahil palaging tinitignan ni Daevon ang cellphone ko. Sa ngayon ay ililihim ko muna sa kaniya na tumawag si papa dahil ayokong dagdagan ang problema niya. Saka ko na sasabihin sa kaniya kapag okay na si Ma'am Alisha. Hindi ko man lang namalayan na isang oras na pala akong nakababad sa tubig. Lantang gulay akong lumabas sa bathroom at nagulat ako ng makita kong seryosong nakatingin si Daevon sa akin. Dumating na pala siya. "Ang tagal mong naligo. Masyado bang marumi ang katawan mo?" walang emosyon niyang tanong. "Nakatulog kasi ako sa bathtub kaya natagalan ako," pagsisinungaling ko. Tumango siya subalit parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Carmela?" Matapang akong nakipagtitigan sa kaniya para malaman niyang nagsasabi ako ng totoo at maalis ang pagdududa niya sa akin. "Wala naman, Daevon. Kamusta ang mama mo? Okay na ba siya?" Tinalikuran ko siya at pumunta ako sa closet. Alam kong hindi pa rin niya ako nilulubayan ng tingin kaya umakto akong abala sa paghahanap ng susuotin ko. Napatalon ako sa gulat ng niyakap niya ako nang patalikod. "She's now okay," malamig nitong sabi. "Sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka sa akin ay baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo, Carmela. Kaya ngayon pa lang ay sabihin mo na ang totoo," banta niya sa akin. Nanlambot ang dalawang tuhod ko dahil mukhang alam ni Daevon na tumawag si papa kagabi. Hinarap ko siya at hahawakan ko sana ang kaniyang mukha subalit mabilis siyang umiwas na para bang nandidiri siya sa akin. Nasaktan ako sa inasta niya kaya ako na ang kusang lumayo. "Nakausap ko si papa kagabi," pag-aamin ko sa kaniya. Mas lalong naging matalim ang tingin niya sa akin at napakuyom rin ang kaniyang dalawang kamay. "Wala naman akong balak ilihim sa 'yo ang pinag-usapan namin." "Talaga ba? Idetalye mo nga sa akin ang pinag-usapan ninyong dalawa. Huwag mong subukang pagtakpan ang papa mo, Carmela. Dahil alam ko kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi." Bumalik na naman ang nakakatakot niyang awra. Akala ko ay tuluyan na siyang nagbago at magiging sweet sa akin, pero umaasa lang pala ako sa wala. Pakiramdam ko, sa anumang oras ay kayang-kaya ni Daevon na wasakin ang puso at buong pagkatao ko. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa amin kahapon. Siguro ay nadala lang siya sa init ng katawan at hindi niya talaga ako totoong mahal. Ang tanga ko lang sa part na binigay ko ng walang pag-aalinlangan ang pagkabirhen ko sa lalaking hindi ko lubusang kilala. Totoo ba talaga ang pinapakita niya sa akin o hindi? Ang hirap hulaan kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Para kahit papaano ay alam ko kung kailan niya ako iiwan at itatapon na parang basahan. "Kinamusta lang ako ni papa dahil nalaman niyang hawak mo ako sa leeg. Iyon lang," bigo kong pahayag sa kaniya. "Nagsasabi ako ng totoo, Daevon." Halos magmakaawa na ako sa harapan niya dahil ayokong pinag-iisipan niya ako ng masama. "Alright, magbihis ka na at ng makakain ka na nang agahan." Hindi man lang niya ako hinalikan gaya ng ginagawa niya sa tuwing umaga. Gusto ko sana siyang habulin pero mukhang ayaw niyang makasama ako ng matagal. Okay, ako na lang ang mag-a-adjust. Pagbaba ko ay nilantakan ko kaagad ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Wala si Nanay Flora ngayon dahil siya muna ang kinuhang magbabantay sa baby ni Mayor Uno. Nang makita ko si Raul ay inimbitahan ko siyang mag-agahan kasama ko. "Raul, kumain ka na ba? Kung hindi pa ay halika na dito at sabayan mo akong mag-agahan." "Tapos na po ako, ma'am. Punta lang po ako sa opisina ni sir dahil kanina niya pa ako pinapatawag," paalam niya sa akin. Sanay naman akong mag-isang kumain dahil iyon naman ang nakasanayan ko noon pa man, pero ewan ko ba at bakit gusto kong may kasama ako ngayon. "Ma'am, tapos na po kayo? Ang bilis niyo naman," birong sabi ni Cynthia. "Ako na po ang maghuhugas niyan," presinta pa niya. "Huwag na, ako na 'to. Pwede bang ihatid mo na lang mamaya sa guestroom ang pagkain ko kapag sumapit na ang lunch time?" Balak ko kasing magkulong at mukhang doon na rin ako matutulog mamayang gabi. Ayokong tumabi kay Daevon at baka umiyak lang ako buong magdamag sa gilid niya. Nagtatampo talaga ako sa kaniya. "Sige po, walang problema. Malakas kayo sa akin, e!" Pagpasok ko sa guestroom ay nalaglag ang panga ko dahil wala na ang malambot kong higaan. Pati ang sofa sa gilid ng bintana ay nawala rin na parang bula. Saan kaya nagpunta ang mga mamahaling muwebles ni Daevon? Ano ba 'yan! Saan na ako matutulog ngayon? "Looking for something?" Anak ng tinapa! Parang kabute ang isang 'to dahil bigla na lang siyang lumilitaw sa harapan ko. "Nasaan na ang mga gamit dito?" pagalit kong tanong sa kaniya. "Hindi ko alam," pagmamaang-maangan niya. "Bakit ka ba nandito? Ayaw mo ba sa kwarto natin? Malawak iyon at pagbukas mo sa sliding door ng terrace ay kitang-kita mo ang magandang view ng mga bulaklak sa baba." "Gusto ko munang mapag-isa ngayon, Daevon. Gulong-gulo na kasi ang utak ko simula ng maging malapit tayo sa isa't isa. We need to set boundaries." Kasi kapag nagpatuloy ang ganitong set-up namin ay sa huli, ako ang talo. Naiisip ko pa lang na kapag naghiwalay kami ay walang matitira sa akin dahil binigay ko lahat sa kaniya. Ang puso ko, ang katawan ko at pati na rin ang kaluluwa ko. Ayokong sa huli, mahihirapan akong bitawan siya. Because in the first place, we started this relationship in the wrong way. "Masyado ba akong nanghihimasok sa buhay mo? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapasakin ka ng buong-buo?" "Daevon, may usapan tayo. Na pagkatapos ng limang buwan ay maghihiwalay tayong dalawa. Pinangako mo iyon sa akin kaya umaasa akong tutuparin mo ito." "This is f*****g bullshit! You willingly gave your virginity to me, and I thought that you wanted me for the rest of your life. Pero hindi ko alam na gusto mo lang pa lang ikama kita," nangangaliti niyang sabi. He clenched his jaw and looked at me with so much frustration. Pinagsusuntok niya ang pader kaya mabilis ko siyang pinigilan subalit tinulak niya ako. Napangiwi ako ng napaupo ako sa sahig. Ang sakit ng puwet at balakang ko. Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto. "Damn it! Are you okay? Nasaktan na naman kita. Sampalin mo ako, Carmela." "Hindi mo naman sinasadya. Ba't ba ang hilig mong saktan ang sarili mo? Tingnan mo ang kamay mo, dumudugo na." "Bravo," usal ni Havier habang siya ay nakahilig sa hamba ng pintuan. "Huwag kang masyadong magpadala sa kaniya, Daevon. Baka sa huli, magsisi ka. She really doesn't love you. This woman is just using you for her own good." Galit kong binalingan ng tingin si Havier. Away namin ito ni Daevon kaya wala siyang karapatan na makialam sa aming dalawa. Nilalason na naman niya ang utak ng kaniyang kapatid. Alam kong ilang beses na niyang ginawa ito pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya nagtagumpay. I really hate him. "Don't start again, Kuya Havier. This is between me and Carmela. Why are you here anyway? Do you need something from me?" "Gusto ko lang naman kamustahin ang asawa mo pero mukhang bad timing ata ang pagpunta ko. Inform mo naman kami Carmela kung nasaan ang papa mo. Para naman matapos na ang gulong ito," sarcastic niyang sabi. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?" pabalang kong tanong sa kaniya. Ubos na talaga ang pasensya ko sa lalaking ito. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pagsakal sa akin sa sementeryo. Hinawakan ni Daevon ang kamay ko kaya pinigilan ko ang aking sarili na magsalita ulit. "Ang tapang mo na ngayon, Carmela. Manang-mana ka talaga sa ama mong taksil," wika ni Havier. Naestatwa ako ng biglang ikasa niya ang hawak nitong baril. "I-ibaba mo 'yan, Havier." Mas lalo akong natakot ng itutok niya ito sa akin. Diyos ko po! "Time is running, Daevon. Malapit ng matapos ang isang buwan at tila walang improvement ang paghahanap mo sa ama ng babaeng kinababaliwan mo." "Kuya, hindi pa tapos ang palugit mo sa akin kaya ano itong ginagawa mo? Huwag mong tutukan ng baril si Carmela!" galit niyang sigaw. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Kung ano man ang masamang binabalak ni Havier ay sana 'wag niyang ituloy. Napahagulgol ako sa iyak ng binaril niya ang braso ni Daevon. Demonyo siya. Paano niya nagawang saktan ang kapatid nito? "Hihintayin ko pa ba na aabot ito ng dalawang buwan? Gano'n ba ang gusto mong mangyari? Tignan mo nga ang sarili mo. Paano kita mapagkakatiwalaan kung nalason na ng babaeng iyan ang utak mo!" Naglakas loob akong lapitan si Havier at hinawakan ko ang dulo ng kaniyang baril. "Para matapos na ang lahat ng ito, patayin mo na lang ako." Ako na mismo ang nagtutok ng baril sa noo ko. "Ano pa ang hinihintay mo, barilin mo na ako!" Napapikit ako ng dahan-dahan niyang kinalabit ang gatilyo subalit dumaan na lang ang dalawang segundo ay walang balang bumaon sa noo ko. Sa bilis ng pangyayari, nang imulat ko ang mata ko ay nakita kong nakahandusay na sa sahig si Havier. "Carmela, lock yourself in the bathroom. Please baby, run!" sigaw niya bago siya atakihin ng suntok ni Havier. Umiling ako. Hindi ko siya kayang iwan sa kamay ng kapatid niya. Kinuha ko ang baril na hawak ni Havier kanina at walang takot na kinalabit ang gatilyo. Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa loob ng guestroom. Sa taas ko itinutok kaya nabutas ang kulay puting kisame. "Sige, subukan mong saktan si Daevon at hindi ako magdadalawang-isip na barilin ka. Umalis ka na dito kung ayaw mong ikaw ang sunod na mailibing sa sementeryo," banta ko kay Havier. "Wow, that's my sister-in-law. May pinagmanahan talaga," pang-iinsulto niya sa akin. "Chill ka lang Carmela, hindi ko naman papatayin ang kapatid ko." Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay, senyales na sumuko na siya. Nakahinga ako nang maluwag ng umalis na si Havier. Ngayon lang ako nakahawak ng baril at hindi pala maganda sa pakiramdam na may dala-dala kang ganitong bagay. Nang matauhan ako ay tinapon ko kaagad ang baril at nilapitan ko na si Daevon. Tulala siya kaya tinapik ko pa ang kaniyang balikat para maagaw ko ang atensyon nito. Naiyak akong niyakap siya. Binaon ko ang aking mukha sa malapad niyang dibdib. Sa tuwing nasa bisig niya ako ay gumagaan ang pakiramdam ko. I feel safe whenever he's around. Napagtanto kong hindi pala simpleng pagmamahal ang nararamdaman ko sa kaniya. Kasi kaya kong itaya ang buhay ko para lang hindi siya saktan ng kapatid nito. Gano'n ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Hindi ka natatakot na isugal ang buhay mo para sa kaniya. Nakakatakot pa lang magmahal ng ganito. "My baby is so brave. Please don't provoke my brother again. He is really dangerous, Carmela." Mahina niyang hinaplos ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit. "Kung hindi ko ginawa 'yon kanina ay baka nabugbog ka na. Hindi naman kasi tama ang ginagawa niya," pagdadahilan ko. Hindi ko kayang i-tolerate ang baluktot niyang sistema. "Araw-araw na nahuhulog ang loob ko sa 'yo, Carmela. I know you love me too, but you're scared to grow your feelings with me. Huwag mong pigilan ang sarili mo kasi handa naman akong saluhin ka. I will wait for you until you are ready." Hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako. I know for sure, he's my greatest love and the man whom I was destined for. Pero kaya ko ba talagang manatili sa tabi niya habang-buhay? Kamukha ko si papa kaya maalala niya lang ang mukha ng taong pumatay sa kaniyang ama. Mahal namin ang isa't isa pero hindi umaayon ang panahon sa amin. How ironic right? 'Yong tipong handa ka ng mag-commit sa isang relasyon pero hindi naman kayo pwedeng dalawa. Na kahit ipaglaban niya pa ako ay hindi pa rin sapat iyon dahil hindi ako ipinanganak na selfish at insensitive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD