CARMELA Puyat ako dahil sa pag-aalaga kay Fedirich. Hinihintay ko si Carl ngayon dahil siya muna ang magbabantay kay baby. Kailangan ko munang umuwi at matulog kahit tatlong oras man lang. Ngayon ang unang araw ng burol ni Inday. Mamayang gabi pa namin siya dadalawin at si Caliber ang maiiwan para magbantay kay Fedirich habang wala kami ni Carl. Mahirap tanggapin na wala na si Inday. Parang kahapon lang ay masaya kaming nag-uusap. Tawanan dito, kulitan sa bawat sulok ng bahay at walang sawang asaran. "Cami, pasensya na kung natagalan ako. Sige na, umuwi ka muna. Ako na ang bahala kay baby," malungkot na saad ni Carl sa akin. "Sige. Babalik rin ako after three hours." Mabigat ang katawan kong naglalakad ngayon. Today is my birthday. Subalit gusto ko na lang kalimutan ang araw na

