CARMELA Kahit anong gawin nila sa akin ay hindi ko sasabihin kung nasaan si Cecilia. Wala na siya dito sa Esperanza at tiyak kong nakarating na siya sa Maramag ngayon. "Cami Reign Ampong, right?" tanong ni Mayor Uno sa akin. Huh? Kailan pa naging Ampong ang apelyido ko? Kahit hindi ko alam ang sinasabi niya ay tumango pa rin ako. Never kong ginamit ang Cami Reign Ampong kaya saan nila nakuha ang impormasyon na 'yan? "Kung malalaman kong hindi ka nagsasabi ng totoo, babalikan kita dito at magiging miserable ang buhay mo." Try me, Mayor Uno. Matagal ng miserable ang buhay ko kaya wala na akong kinatatakutan. Si Havier at Ma'am Alisha na lang ang kulang para masabi kong nagsama-sama ulit ang mga Segovia ngayon. Mini reunion 'yan? "Noted." Wala akong pakialam kung medyo bastos ang

