Chapter 5

2030 Words
HAVIER Bukas na ililibing si papa pero hindi pa rin namin nahahanap si Solomon. Hindi ko rin maintindihan si Daevon kung bakit pinakasalan niya si Carmela. Wala naman akong nakikitang espesyal sa babaeng iyon kaya nakapagtataka kung bakit baliw na baliw sa kaniya ang kapatid ko. Sinalubong ko ng isang malakas na suntok si Daevon ng pumasok siya sa dating opisina ni papa. Nagsumbong sa akin si mama kung paano siya trinato ng bunsong kapatid namin sa harap ni Carmela. Maturuan nga ng leksyon ang lalaking ito at nang matauhan siya. "Ang kapal ng mukha mong pumunta dito samantalang hindi ka naman tumutulong sa paghahanap kay Solomon!" Sinipa ko ang upuan na nasa gilid ko kaya natumba ito at lumikha ng nakakabulabog na ingay. I adore my father so much. Kaya masakit sa akin na wala na siya at pinapangako ko sa sarili ko na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya. I will kill his traitor driver. "Huwag mo akong husgahan kuya dahil wala kang alam kung ano ang ginagawa ko para lang mahanap ng mabilis ang papa ni Carmela." "Kung gano'n, may lead ka na ba kung saang lupalop ng mundo siya nagtatago? Namatay ang ama natin, Daevon. Pero sarili mo lang ang iniisip mo. Nagluluksa kami lalong-lalo na si mama pero ano itong ginawa mo, pinakasalan mo ang babaeng iyon at tinuring mong parang reyna sa mansyon mo." "Putang-ina, ano ba ang mali sa ginawa ko? Alangan namang alipustahin ko siya," galit na sabi ni Daevon. "Huwag kang mag-alala dahil wala pang dalawang buwan ay hawak mo na sa leeg si Solomon." "Huwag kang puro salita lang, Daevon, gawin mo. Kapag lumagpas ng dalawang buwan ang paghahanap mo sa traydor na iyon ay asahan mong magiging impyerno ang buhay ng babaeng mahal mo," banta ko sa kaniya. "Basta tumupad ka sa usapan na huwag mong gagalawin si Carmela. Ako ang makakalaban mo sa oras na sinaktan mo siya, Kuya Havier." Ngayon, alam ko na kung paano ko sirain ang tiwala niya kay Carmela. Hindi ko hahayaan na magbuhay reyna ang babaeng iyon sa mansyon ng kapatid ko. Ano siya, sinuswerte? Nang umalis siya ay inutusan ko ang isa kong tauhan na manmanan niya ang bawat galaw ni Carmela sa mansyon ni Daevon. Hindi niya alam na may spy sa mga bodyguard niya kaya alam ko lahat ang nangyayari sa loob ng teritoryo nito. "Don't do stupid things again, Havier. I'm watching you," my older brother said. "What? I'm not doing anything, Kuya Uno. O, nasaan na ang paboritong anak ni mama?" tanong ko. "Nandoon sa labas, sinusuyo niya si mama. Alis muna ako at may aasikasuhin pa ako sa munisipyo." Siguro kaya ako nagagalit ng husto dahil nasa amin na ang lahat pero ang bagal ng usad sa kaso ni papa. May pabuya kaming ibibigay sa kung sino man ang makakapagturo kung nasaan si Solomon pero bakit hanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap na balita. "Havier, may tumawag sa akin at nakita raw nila si Solomon sa kabilang probinsya." Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ang mga tauhan kong ihanda na nila ang helicopter na sasakyan namin ni Kuya Uno papuntang Candon. Nasa Ilocos Sur pala ang hayop na 'yon. "Legit ba ang lead na nakuha mo, Kuya Uno?" "Oo, nakita siya ng isang mangingisda na naglalakad sa gilid ng dalampasigan. Hula ko ay malapit lang sa baybayin nanunuluyan si Solomon ngayon. Huwag ka munang magtawag ng pulis at baka makaamoy pa ang matandang iyon." Talagang hindi ako magtatawag ng pulis dahil ipapatikim ko muna sa kaniya ang sarili kong batas. "Sasama ka ba talaga? Pwede namang ako na lang kung busy ka talaga sa munisipyo." Isang alkalde si kuya dito sa lungsod ng Laoag. Sa pamilya namin, siya lang ang pumasok sa politika habang kami ni Daevon ay parehong negosyante. "Saan kayo pupunta, Kuya Uno?" tanong ni Daevon ng makita niya kaming nagmamadali. "Ano'ng meron at bakit naghihintay ang private helicopter ni Kuya Havier sa lupain ng mga Sinor?" Nilagpasan ko lang siya dahil kapag sinagot ko ng pabalang ang tanong niya ay baka mag-away lang kaming dalawa. "Kuya, sasama ka ba o hindi?" Ayokong magsayang ng oras dahil baka pagdating namin sa Candon ay wala na si Solomon. Nag-uusap pa kasi silang dalawa ni Daevon kaya sinenyasan ko siyang aalis na kami. Sumibol ang matinding galit sa aking puso ng makarating kami sa lungsod ng Candon. Isang itim na van ang naghihintay sa amin papuntang Calongbuyan. Mabuti na lang at nasaktong umuwi si Ralph dito kaya nanghiram ako ng sasakyan at pati na rin ang mga tauhan niya. "Boss, diyan po ang bahay niya." Isang gusgusing lalaki ang sumalubong sa amin ng makarating kami sa Calongbuyan beach. "Kapag napatunayan kong pinagloloko mo kami ay ikaw ang una kong ililibing ko sa hukay," malamig kong sabi habang matalim kong tinignan ang matandang lalaki. Pinalibutan namin ang kahoy na bahay at naalerto kami ng bumukas ang pintuan sa likod. Napangisi ako ng makita ko ang takot na mukha ni Solomon. Agad siyang pumasok sa loob at hinagis niya sa amin ang tatlong smoke bomb. Mabilis kong ipinikit ang dalawang mata ko samantalang ang mga tauhan ni Ralph ay napaubo. "Damn it! Ano pa ang hinihintay niyo? Pasukin niyo na ang bahay niya," utos ko kahit na hindi pa nawawala ang usok. "Boss, nakatakas siya!" Dahil sa inis ay napasigaw ako ng malakas. Nang makita kong pasakay siya ng bangka ay agad kong binaril ang paa niya. Sinundan ko siya sa dalampasigan at babarilin ko pa sana siya ulit ngunit nakalayo na ito. "Hawak namin ang anak mo!" sigaw ko na alam kong maririnig niya. "Sumuko ka na kung ayaw mong maghirap si Carmela sa basement ng hacienda ko." Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil masyado na siyang malayo at sigurado akong hindi magiging panatag ang loob niya ngayon dahil sa sinabi ko sa kaniya. "Ipinaalam ko na sa kapulisan na nandito si Solomon. Tiyak kong sa kabilang baryo siya pupunta kaya doon na tayo maghintay. Hindi rin siya makakalayo dahil nabaril mo ang paa niya at wala siyang mahihingian na tulong dahil alam ng lahat na wanted siya." Naghiwalay na kami sa paghahanap at hanggang sumapit na lang ng gabi ay wala kaming nakitang anino ni Solomon. Magaling kang kupal ka. Sa susunod na magkikita kami ay hindi ko na hahayaang makatakas siya. "Havier, umuwi muna tayo. Pagkatapos ng libing ni papa ay babalik din tayo dito sa Candon. Hayaan mo munang ang mga tauhan ni Ralph ang maghanap sa kaniya," wika ni Kuya Uno. Pagod na siya at mukhang problemado siya ngayon. Maselan ang pagbubuntis ng asawa niya kaya siguro hindi siya mapakali ngayon. Wala silang katulong kaya paniguradong nag-aalala na siya nang husto kay Cecelia. "Huwag ka ng sumama sa akin bukas at bantayan mo na lang ang asawa mo. Si Daevon na lang ang isasama ko," pagod kong sabi. Kinabukasan ay naging abala kaming lahat. Pagdating ko sa family house namin ay natulog agad ako samantalang si Kuya Uno ay dumiretso sa kaniyang asawa. Habang nagsasalita si mama sa harapan ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sa aming lahat, alam kong siya ang pinaka naapektuhan. Napatayo kaming lahat ng bigla siyang mahimatay. Mabuti na lang at nasalo siya ni Daevon. Magpapatawag na sana ako nang ambulansya subalit nagising na siya ng makarating kami sa sementeryo. "P-papa," humagulgol ng iyak si Daevon habang binababa na sa lupa ang aming ama. Ngayon niya nilabas ang lahat nang sakit at pagsisisi na kinimkim niya ng ilang araw. Kulang na lang ay tabihan niya si papa dahil nakadapa na siya sa lupa. He was hurt just like us. Nilapitan namin siya ni Kuya Uno at mama para damayan ito. Pagkatapos naming ilibing si papa ay nagpaiwan muna ako dito sa sementeryo. Nauna na sila mama para asikasuhin ang mga taong nakiramay sa aming pamilya. Tulala akong nakatingin sa kawalan ng biglang may narinig akong kaluskos galing sa likuran ko. Nagdilim ang paningin ko ng makita kong nandito pala ang anak ng taong pumatay kay papa. Galit ko siyang nilapitan at kinaladkad ko siya papunta sa puntod ng aking ama. "Ang kapal rin ng mukhang mong pumunta dito. Sa tingin mo may karapatan kang makiramay sa amin?" puno ng hinanakit kong tanong sa kaniya. "Gusto ko lang naman makiramay," takot na usal niya. "Aalis na lang ako kapag ayaw mong makita ako dito." Mabilis ko siyang pinigilan ng subukan niyang umalis sa harapan ko. I glared at her. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya kaya mas lalo siyang nanginig. Mariin kong hinawakan ang magkabilang braso niya kaya napaigtad siya sa sakit. "Wala ng ibang tao ngayon dito kun'di tayong dalawa lang. Hindi nila malalaman kung bakit bigla kang nawala. This is the perfect place to bury you here alive," I said. "M-maawa po kayo sa akin," nauutal niyang pakiusap. "Wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ni Don Arturo." "How dare you utter my father's name. You selfish b***h. Ano, binigay mo ang pagkabirhen mo sa kapatid ko kaya ganiyan siya kabaliw sa 'yo at kulang na lang ay patayuan ka ng rebulto para sambahin ka niya." Hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako. Aba, matapang! "Wala kang karapatan na bastusin ako lalong-lalo na't hindi naman totoo ang mga paratang mo sa akin. Wala pang nangyayari sa amin at ni hindi pa nga kami naghahalikan ni Daevon." "Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Nasa dugo n'yo na ang pagiging sinungaling kaya hindi mo ako basta-basta maloloko." Nang mapansin niya kung ano ang gagawin ko sa kaniya, mabilis niyang sinipa ang gitnang parte ng katawan ko. Talagang ginagalit ako ng babaeng ito. Akala niya siguro ay makakatakas siya sa akin. Nang mahuli siya ng dalawang tauhan ko ay sinakal ko si Carmela. Nagpupumiglas siya kaya hinigpitan ko pa ang pagkakapulupot ng kamay ko sa leeg niya. Hindi ako tanga para sundin si Daevon na 'wag kong saktan ang asawa niya. I am Atticus Havier Segovia, the ruthless haciendero and one of the most powerful men here in the Philippines. Kayang-kaya kong ipapatay ngayon si Carmela pero hindi ko muna gagawin dahil magagamit ko pa siya laban kay Solomon. "H-hindi na ako makahinga," nahihirapan niyang sabi. Nakangising binitawan ko siya kaya napaupo siya sa lupa. Habang hinahabol niya ang kaniyang hininga ay hinawakan ko ang panga niya. "Huwag kang magpapakita sa akin kung ayaw mong patayin kita," nakakakilabot kong sabi sa kaniya. "Isusumbong mo ba ako kay Daevon?" Umiling siya. "Hindi, asahan mong hindi niya malalaman ang ginawa mo sa akin basta 'wag mong banggitin sa kaniya na lumabas ako ng mansyon." Pagbalik ko sa family house namin ay nakasalubong ko si Daevon at mukhang nagmamadali siya dahil hindi niya ako napansin. "Saan ka pupunta? Huwag ka munang umuwi dahil kailangan tayo ni mama ngayon," pagod kong saad kay Daevon. "Hahanapin ko lang si Carmela. Babalik din ako pagkatapos ko siyang iuwi. Tumawag kasi si Nanay Flora na wala siya sa kaniyang silid." "Mukhang nalagpasan ko siya sa isang tindahan kanina. May kausap siyang matandang babae at isang dalaga," pagsisinungaling ko sa kaniya. "Alis na ako kuya," paalam nito. Nagkamali ka ng pinakasalan na lalaki, Carmela. My brother is brutal. Nananakit siya ng babae kahit pa mahal niya ito. "Raul, nasaan ngayon si Carmela?" tanong ko sa tauhan kong spy sa pamamahay ni Daevon. "Nandito kami ngayon sa bahay ng tiyahin niya. Mukhang ayaw na nga niyang umuwi," report ni Raul. "Tawagan mo si Daevon at sabihin mong nagpaplanong maglayas si Carmela. Sabihin mong lihim mo siyang sinundan kaya nalaman mo ang plano niya." "Copy, boss!" Ibinaba ko na ang tawag dahil may aasikasuhin pa akong mga kamag-anak namin. Makalipas ang tatlong oras ay nakatanggap ako ng tawag galing sa unregistered number. Sinagot ko agad ito at baka may nakakita na naman kay Solomon. "Hello," malamig kong bati sa caller. "Is this Mr. Daevon Segovia's older brother?" tanong niya. Bigla akong kinabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko. "Yes, I am. Why?" "Sinugod po siya dito sa Laoag City General Hospital, sir. Nasaksak po siya sa bandang tiyan niya at maraming dugo ang nawala sa kaniya." "Papunta na ako diyan," mabilis kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD