TERRENCE ALTAMONTE Sa totoo lang na-amuse ako sa family ng bodyguard ko. Hindi ko akalaing masaya palang makasama ang pamilya niya, agad ko din na nakagaanan ng loob ang mama niya. Saka para lang silang magkakabarkada, lalo na si Kuya Stevein. Naki-kuya, eh bakit ba? Kung kaya siyang talunin ni Kuya Stevein, kakayanin ko rin! Kaya hinamon ko siya. And now, magkatapat na kami at magkadaop ang mga palad. And ang lakas ng epekto sa puso ko sa pagdadaop lang ng mga palad namin.... parang kinikiliti ang puso ko... I was wondering if she also feels the same, or maybe... not. "Huh? Teka bakit walang nagchecheer sa akin?" taka kong tanong. Alam kong magkakapatid sila at understandable na kampi sila sa kapatid nila but kahit ba isa walang magchecheer sa akin? Tinignan ko si Tita na agad naman n

