REECE Dumating ang araw na nagsimula na akong pumasok sa kumpanya. Inunahan ko na rin si Kuya Ravi at Tito Ernel na intern ako. Gusto ko rin maranasan kung ano ang ginagawa ng mga intern sa pinapasukan nilang kumpanya. Walang ibang nakakaalam na anak ako ng may-ari ng kumpanya, kundi ang mga nasa mataas na posisyon at ang sekretarya ng kapatid ko at ni Tito Ernel. Kapag pupunta kasi ako sa kumpanya noong nag-aaral pa ako, hindi na ako dumadaan sa lobby. Hindi rin ako madalas pumunta sa opisina ng kapatid ko, kaya tiyak na walang nakakakilala sa akin. Kapag may briefing ang mga bagong papasok, hindi nakakalimutan banggitin sa kanila ang history. Nang unang pasok ko, dumaan pa ako sa briefing. Binanggit dito kung sino ang may-ari ng kumpanya at ang kasalukuyang nagmamalakad nito. Hindi

