REECE
“What? Akala ko ba—”
“Akala mo lang ‘yon, Sis.” Binalingan niya ang lalaki. “Serge, this is my sister, Reece. Be careful, she's dangerous,” babala niya rito.
“Kuya!” sita ko rito.
Sinisira na kaagad niya ang imahe ko. Baka doblehin nito ang pagbabantay sa akin dahil lang sa sinabi ng kapatid ko.
“Hey, I'm just being honest, Reece.” Muli niyang sinulyapan ang bago kong bodyguard. “Kapag tinakasan ka ng kapatid ko, tatanggalin kaagad kita, katulad ng ginawa ko sa mga una niyang bodyguard.”
Pasimple akong ngumisi. Hindi siya magtatagal sa akin katulad ng iba. Mark my word!
“Don't worry, sir; I'll keep a close eye on your sister.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Let's see,” pilyang sabi ng bahagi ng utak ko.
“You're officially her bodyguard starting today. Ikaw na ang maghahatid at sundo sa kanya sa D'Amico. Ikaw na rin ang gagamit ng unit ng dalawang bodyguard na tinanggal ko,” bilin ng kapatid ko.
Tumikhim ito, na parang may nais siyang ipaliwanag sa kuya ko.
“I think, para mabantayan ko ng mabuti ang kapatid ninyo bente-kwatro oras, kailangan ay lagi ko siyang nakikita. Hindi ko ito magagawa kung nasa kabilang unit ako, Sir Ravi.”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Parang may ideya na ako sa tinutukoy niya, kaya kaagad kong binalingan ang kuya ko, saka mariing umiling. Pinarating ko na hindi ako sang-ayon sa sinabi ng bago kong bodyguard.
“Kuya, wala akong privacy kapag kasama ko siya sa unit ko,” maagap na sagi ko. At saka, paano ako makakatakas sa kanya kung bente-kwatro oras pala ay magkasama kami?
Hindi pwedeng mangyari ito!
Bumuntong-hininga si Kuya Ravi. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at parang nag-isip kung ano ang tamang gawin. Sana sa akin siya pumanig dahil kapatid niya ako. Isa pa, babae ako, at kahit bodyguard ko ang lalaking ito, hindi niya dapat ako ipagkatiwala ng basta na lang.
“I agree with him, Reece.”
“Kuya!”
Tinaasan niya ako ng kilay. “There's no need to shout, Reece Thearessia.”
Yumuko ako, na parang bata na pinagalitan. Hindi ko sinasadyang taasan ng boses ang kuya ko. Hindi lang talaga ako pabor sa gusto nilang mangyari.
“I'm sorry, Kuya,” mahinang usal ko, pero tinapunan ko ng masamang tingin ang bagong bodyguard ko. Kung hindi naman kasi niya iyon sinabi ay hindi maiisip ng kapatid ko ang bagay na ‘yon.
“Ipinagkakatiwala ko sa ‘yo ang kapatid ko, Serge. Papayagan kita sa gusto mong mangyari, pero oras na may ginawa ka sa kanya na hindi ko nagustuhan…” Nang-angat ako ng mukha para sulyapan si Kuya Ravi nang huminto siya sa pagsasalita. Isang nagbabantang tingin ang ipinukol niya kay Serge. “I swear, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa ‘yo,” mahabang litanya ni Kuya Ravi.
I was stunned when he smiled at my brother. Hanggang sa bumalik sa alaala ko ang nangyari sa labas ng bar.
Ito ang lalaking tumulong sa akin mula roon sa lalaking baliw sa bar. Tama nga si Anne, gwapo siya, lalo na kapag nakangiti. Ano kaya ang magiging reaksyon ng dalawa kapag nalaman nila na bodyguard ko ang lalaking pinagpapantasyahan nila.
Habang nasa biyahe kasi kami, bukambibig nila ang lalaking ito. Ang cool daw, lalo na kung paano nito pinakaripas ng takbo ‘yong lalaki. Kulang na lang ay sambahin nila ang lalaking ito.
"I'll take responsibility, sir. Hindi ko sisirain ang tiwala ninyo at reputasyon ko. Hayaan n'yong patunayan ko iyon sa ‘yo,” puno ng paninindigan niyang sabi.
Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Parang hindi siya gagagawa ng masama. Pero kahit nagbitaw siya ng assurance sa kuya ko, na wala siyang gagawing masama sa akin, lalo na at magkasama na kami sa unit ko, hindi pa rin dapat ako magtiwala sa kanya.
“Good to hear that, Serge. I knew I made the right choice in hiring you to protect my sister.” Binalingan ako ni Kuya Ravi. “Ililipat kita ng unit.”
“What?” gulat na sabi ko. I noticed out of the corner of my eye that the new bodyguard was looking at me. “But why?”
“Isa lang ang kwarto sa unit mo, kaya kukuha ako ng unit na dalawa ang kwarto. Para naman hindi lang ikaw ang may privacy," sarkastikong paliwanag ng kapatid ko.
Frustrated na sinandal ko ang likod sa backrest ng sofa, sabay taas ng dalawang kamay, tanda ng pagsuko. “Gawin mo na ang gusto mong gawin, Kuya. Wala na akong sasabihin,” walang gana na sabi ko, sabay pikit sa mga mata ko.
Ilang segundong namayani ang katahimikan. Hindi na ako mangangatwiran, hindi rin naman ako mananalo. Ang iisipin ko na lang ay kung anong mga hakbang ang gagawin ko para matakasan ang bago kong bodyguard.
“Ikaw na ang bahala sa kapatid ko, Serge. Ikaw na rin sana ang magpasensya sa ugali niya. She's still young, so—”
“I'm twenty, Kuya Ravi. Hindi ako bata na kailangan mong ibilin,” putol ko sa sinasabi nito.
Parang bata pa rin niya akong ituring. Kaya nga sa halip na mag-stay ako sa bahay, lumipat ako ng condo para lang maging independent. Pero hindi na maalis sa kanya na pakialaman ako. Sabagay, hindi ko masisisi si Kuya Ravi. Ulila na kami sa magulang, at ako na lang ang natitira sa kanya, kaya labis ang pag-iingat niya sa akin.
“Sige na. Ihatid mo na siya. Saka na kayo lumipat kapag wala nang pasok si Reece.”
Nagmulat ako ng mata. Nang sulyapan ko ang bago kong bodyguard ay kaagad nagtagpo ang mata naming dalawa. Nakairap na tumayo ako. Naglakad ako palapit kay Kuya Ravi para halikan siya sa pisngi.
“I hate you, Kuya,” bulong ko sa kanya, ngunit tinawanan lang niya ako.
Habang nasa elevator ay pasimple kong pinasadahan ng tingin ang bago kong bodyguard. He has good posture. He's got broad shoulders and a wide back. His height really suits him. I wonder how tall he is!
“What's your height?" I asked.
He was standing in front of me, and I saw him looking at me in the elevator's mirrored wall.
"I'm six feet tall.”
Muntik na akong mapasipol sa sinagot nito. Ang tangkad pala talaga niya.
“You'd make a great basketball player. Why be a bodyguard?” Tamang-tama ang height niya sa sports na iyon. Kahit sino ang makakita sa kanya, iisipin na naglalaro siya ng basketball.
“Not really my cup of tea," he replied seriously.
Tumango-tango ako at hindi na nagsalita.
Simula na ng trabaho niya, kaya siya na ang maghahatid at sundo sa akin. Katulad ngayon, ihahatid niya ako sa unit ko. Doon na rin ba siya matutulog mamaya o sa bagong condo?
“What's your name again?” basag ko sa katahimikan.
Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa nang tumingin siya sa rear-view mirror.
“Serge Kezsler. Just Serge, Miss Reece.”
“How do you know my brother Ravi?”
Parang ang bilis kasi na bigla ko siyang naging bodyguard, samantalang nang nagdaang gabi ko lang siya nakita.
“Someone called me. May gusto raw kumausap sa ‘kin, at kuya mo nga ang nakausap ko.”
Nagsalubong ang kilay ko. Medyo nalilito pa rin ako. “I mean, paano niya nalaman na pagba-bodyguard ang trabaho mo?”
“Si Sir Ravi na lang ang tanungin mo, Miss Reece. Wala rin akong ideya.”
Tinaasana ko siya ng kilay. Hindi man lang siya nagtanong sa kuya ko? Mukhang trabaho lang ang talagang interes niya, kaya kahit pagtatanong ay hindi na niya ginawa.
Pagdating sa unit ko ay kaagad siya naglibot, na parang may hinahanap. Siya lang ang namumukod tanging gumawa nito.
Hinayaan ko siya sa labas ng sala at pumasok na ako sa kwarto ko. Bahala siya matulog sa sofa. Ni-lock ko ang pinto. Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya hindi dapat ako makampante.
Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbabad ako sa laptop para manood ng movie. Hanggang sa namigat ang talukap ko at unti-unti akong ginupo ng antok. Paggising ko ay madilim na sa labas.
Lumabas ako ng silid dahil nakaramdam ako ng pangangalam ng sikmura. Magluluto na lang ako ng noodles.
Humihikab na tinungo ko ang kitchen area. Inaantok pa yata ako dahil parang may nahagip ang mata ko, pero hindi ko ito pinansin. Kumuha ako ng tubig at uminom. Awtomatiko akong pumihit paharap. Mula sa bottled water na hawak ko ay tumagos ang mata ko. Nasamid ako ng tubig nang makita kung sino ang nakaupo habang titig na titig sa akin.
“You scared me!” sambit ko habang hawak ang dibdib ko dahil sa takot.
Ano ba ang ginagawa niya dito? Nagulat talaga ako sa kanya. Hindi man lang nagsalita na nandito pala siya.
Pinasadahan niya ako ng tingin. “Gusto ko lang ipaalala sa ‘yo na may kasama ka na dito sa unit mo, kaya dapat ay hindi ganyan ang suot mo,” sabi niya, sabay talikod ng upo sa akin.
Salubong ang kilay na pinasadahan ko ng tingin ang sarili. Napasinghap ako at namilog ang mga mata ko nang makita ang itsura ko. Nasanay akong mag-isa sa unit ko, kaya nagsusuot lang ako ng panty at sando, katulad ng suot ko ngayon. Wala pa akong suot na bra, kaya kitang-kita niya ang kaluluwa ko.
Kaagad kong tinakpan ang dibdib ko at ang nasa pagitan ng hita ko. Kahit nakatalikod siya sa akin ay tiningnan ko siya ng masama.
“Pervert!”
Mabilis kong tinungo ang silid ko. Saka ko lang naramdaman ang init sa buong mukha ko nang nasa loob na ako. Hiyang-hiya ako sa nangyari. Ito ang unang beses na may nakakita sa akin sa ganitong ayos. Nakalimutan ko na may kasama na pala ako dito.
Nakakahiya. Parang ayaw ko nang lumabas!