REECE Dahil sa nangyari, simula ng araw na iyon ay ipinaalam na ni Tito Ernel at Kuya Ravi sa buong building kung sino talaga ako. Kahit alam na ng mga kasama ko sa department kung sino ako, hindi ko sinasamantala ang pagiging anak ng may-ari ng kumpanya. Maituturing pa rin akong intern sa kumpanya. Ginagalang ko pa rin ang head ng department. Hindi ko rin hinayaan na mailang sa akin ang mga kasama ko. Gusto ko pa ring ituring nila akong ordinaryong empleyado katulad nila. “Kumusta ang araw mo?” tanong ni Serge. Nandito na kami sa silid. Naghihintay na lang na antukin. “Okay lang. Medyo busy.” “Kumusta ang pakikitungo sa ‘yo ng mga katrabaho mo?” Alam na nito ang nangyari sa opisina. Sang-ayon nga siya sa ginawa ni Kuya Ravi na tanggalin ang nagpakalat ng maling impormasyon at

