Chapter 23

2440 Words

REECE Lumapit siya sa sofa kung saan ako nakahiga. Bahagya akong bumaluktot para makaupo siya sa paanan ko. “Bakit nga bumalik ka?” tanong kong muli para sagutin na niya ako ng matino. Sinandal niya ang likod at ulo sa backrest ng sofa saka pumikit. “Mas priority kita, Miss Reece. Pinagkatiwala ka sa akin ni Sir Ravi, kaya hindi kita pwedeng iwan.” Pasimple akong napangiti. Nang magmulat siya ng mata at umayos ng upo ay mabilis kong pinawi ang ngiti ko sa labi para hindi niya makita. “Paano si Eliana?” “Don't worry about her. Kaibigan ko na ang bahala sa kanya.” Bigla siyang tumingin sa akin, kaya hindi kaagad ako nakaiwas ng tingin. “Manonood ka pa ba?” “No.” Bumangon ako. “Lilipat na ako sa kwarto. Inaantok kasi ako.” Tumango lang siya habang mataman na nakatitig sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD