REECE Hindi ako kumbinsido sa sinabi ng dalawa kong kaibigan. Baka inis lang ang nararamdaman ko kay Eliana, hindi selos. Baka iniisip ko lang na kapag napunta ang atensyon ni Serge kay Eliana, dahil sila naman talaga ang may nararamdaman sa isa't isa, ay mapabayaan niya ang tungkulin niya sa akin. However, I still need proof that I am in love with him. I don't want to just believe what others are saying. Sabagay, sarili ko naman ang makakapagsabi kung nahulog na ba talaga ang loob ko sa kanya dahil ako naman ang nakakaramdam nito. Kahit hindi maganda ang huling pag-uusap namin ni Serge, sabik pa rin akong makita siya. Wait, I'm so excited to see him. Could this mean I'm actually falling for him? Ngunit ang pagkasabik ko ay napalitan ng pagtataka nang makita na hindi si Serge ang lu

