Chapter 37

1944 Words

SERGE Sa sasakyan pa lang, alam ko nang labag na sa loob niya na isabay si Eliana. Mas lalo pa itong nadagdagan nang sinabi ng isa niyang kaibigan na isama na lang si Eliana sa pupuntahan namin kaysa bumalik ito sa Maynila dahil kinansela ng kausap nito ang kanilang pagkikita. Kahit hindi niya sa akin sabihin, nararamdaman kong ayaw talaga niya sa presensya ni Eliana. Kaya nga naglakas loob akong tanungin siya kung ayos lang ba talaga sa kanya na kasama namin ang kaibigan ko. Hindi na rin ako nagulat ng sabihin niya ang totoo. Ang totoo, hindi rin ako pabor na sumama kami. Kung ayaw niya kay Eliana, ayaw ko rin kay Archer, lalo na kapag nakikita kong masaya siyang kausap ito. Bodyguard lang niya ako, pero parang gusto ko siyang ipagdamot, lalo na sa hilaw niyang manliligaw. Gusto ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD