REECE Pagdating sa condo ay hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nakakahiya ang sinabi ko kanina sa sasakyan. Ano ang pumasok sa isipan ko at nasabi kong nagseselos siya? Pagkatapos ko iyon sabihin ay tinapunan lang niya ako ng tingin at wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya. Pumalatak lang siya at muling tinuon ang atensyon sa daan, kaya baka wala lang para sa kanya ang sinabi ko. Pagpasok sa kwarto ay tinanggal ko ang lahat ng laman ng bag dahil baka lalong mabasa ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo para maligo. Nanginig ang katawan ko nang dumaloy ang malamig na tubig sa balat ko. Ngayon ko naramdaman ang lamig sa buong katawan ko. Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil nanunuot talaga sa buong kalamnan ko ang lamig. Nagsuot ako ng sweater para kahit

