REECE Shit. Ano'ng gagawin ko sa ganitong sitwasyon? Sa dami naman ng dadampi sa labi ko, bakit labi pa niya? Makalipas ang ilang segundo na magkalapat ang aming mga labi, siya na ang unang lumayo. Aba, dapat lang dahil siya ang nasa ibabaw ko at siya ang humalik sa akin kahit pa sabihin na hindi niya sinasadya. Shocked pa ako at maging buong katawan ko ay apektado sa nangyari, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makagalaw. Hindi inaasahang pangyayari lang iyon, pero buong nervous system ko ay naapektuhan. "It was an unintentional kiss, Miss Reece," he said, his gaze fixed on me as if it were no big deal. Ke intentional pa ‘yan, hindi magbabago na ikaw ang first kiss ko, for goodness’ sake! Kumibot ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pati utak ko, na-freeze sa

