CHAPTER 1

1048 Words
HANNAH POV Ang sabi nila, kasal daw ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang babae, ngunit hindi para sa akin sapagkat ikakasal ako sa isang lalaki na hindi ko mahal- Si Jonas, ang arogante kong boss sa aming company. Lahat nga halos ng mga employees sa office, alam kung gaano kasama ang ugali niya. Itim ang budhi niya at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Palibhasa, nag iisang tagapag mana ng kompanya ng kanyang ama! Ngunit nasilaw ako sa offer niya sa akin, kapalit ng bangungot na kasal na ito ang pagsagot niya sa hospital bill ng boyfriend kong si Ethan na nacomatose tatlong linggo na ang nakakaraaan. Ang sabi ng ilang mga nakakita, nagmo motor daw ang boyfriend ko ng biglang may sumagasa sa kanyang isang sasakyan. Ang mas nakakalungkot pa, papunta siya sa date natin at may plano na sanang mag propose. Pero hindi ito itinadhanang mangyari. Kaya kumakapit na ako sa patalim, papakasalan ko si Mr. Jonas na ginawa ito dahil sa naghahabol daw siya ng mana. May sakit na colon cancer ang step dad niya at siya na ang magmamana ng lahat ng ari arian nito. At unfortunately ay may taning na siya according sa doctor pero bago raw manahin ni Jonas ang lahat, dapat daw ay ikasal muna siya. After three months ay maghihiwalay na kami sa pekeng kasal na ito. Sana lang ay sapat na ang three months na pag bebenta ko sa sarili ko upang gumaling na si Ethan. Habang sakay ako ng bridal car at nakatingin sa front mirror, may bahid pa rin ng lungkot sa aking mukha kahit na ang ganda ng puti kong gown na babahiran ko ng aking luha pagkatapos ang nakaka sukang wedding na ito! Sa isang private venue lang kami ikakasal ni Jonas dito sa Makati. At nasa iilang mga tao lang ang imbitado, as long as present lang ang step father niyang si Roldan, magiging maayos na ang lahat. Huminto na kami sa tapat ng isang malaking building na magiging saksi sa malagim na pag iisang dibdib namin. Paghawak ko sa pouch ko na terno ng aking gown, nag ring ang cellphone kong bigla. As I expecting, si Jonas ang tumatawag sa akin. Ang usapan namin dito, 1 pm ako darating ngunit dahil sa trapik, lumagpas na kami ng 20 minutes. Sinagot ko ang tawag niya at kahit na hindi ako naka loud speaker, narinig ko kaagad ang bulyaw niya sa kabilang linya. "ASAN KA NA HA? NAIINIP PA SI DAD!" Inilayo ko ng saglit ang cellphone sa aking tainga sa lakas ng sigaw niya. I can only imagine na lumalabas ang ugat sa noo niya kapag nagagalit. Maging ang pamumula ng kanyang pisngi. Sayang, kung ano ang iginuwap niya ay siyang sinama ng ugali niya! Kinikimkim ko lang ang sama ng loob ko sa bawat masasakit na salitang binibitawan niya. "Sorry po sir, nandito na po ako sa labas ng building. Papasok na po kami sa loob, pakihintay na lang po." Binabaan niya na ako kaagad ng tawag. Napangiwi lang ako, saan ka makakakita ng bride na naglalakad sa tapat ng building? Lahat ng mga taon sa paligid ko ay napatingin sa akin. I ignored them, sa halip ay pumasok na ako sa loob. Nasa third floor lang ang venue nang kasal namin. Kaysa sa mag elevator ako, nag lakad na lang dahil gusto kong pabagalin ang oras. Nang makarating ako sa third floor, para akong nag mistulang isang artista sa harapan ng mga bisitang bilang lang sa dalawa kong mga kamay. Lahat sila ay nakangiti sa aking pagdating maliban na lang kay Jonas na magkasalubong ang kilay. Nakasuot siya ng puting coat pang americano, he is towering above his step father at sa isa pang lalaki sa tabi niya. Habang papalapit ako sa kanya ay alam kong papalapit na rin ako sa impyernong sitwasyon sa loob ng tatlong buwan. Ngunit alang alang kay Ethan, handa ko itong gawin. Naging lutang ako sa lahat ng mga pangyayari, namulat lang ang aking mga mata ng sabihin sa amin ng minister ang 'mahiwagang kiss the bride.' Medyo nakaka ilang itong gawin, sa ilang linggo naming pag uusap ni Jonas, kahit sa harapan ng papa niya ay hindi namin ito ginawa. Ayaw ko naman na mag mukha akong desperadang babae kahit na gwapo si Sir Jonas at mapula ang labi nitong tipid kung ngumiti. "Ano pang hinihintay mo, kiss me!" mahina niyang sabi, "Ikaw na sir! Ang sabi kiss the bride daw, hindi kiss the groom," bulong ko rin. Nakikita ko ang mas lalong pamumula ng kanyang pisngi sa galit kaya mas lalong ayaw ko siyang halikan. Tinanggal niya ang belo sa ulo ko at dito ay binigla niya ang halik. Sa gulat ko ay napadilat ako ng aking mga mata. Ang sarap ng halik niya, ang tamis at ang lambot ng kanyang mga labi. Ang balita ko ay wala pa siyang naging girlfriend kahit na isa, ngunit iba ang ipinapahiwatig ng kanyang paghalik. Tila ay isa itong bihasa sa ganitong bagay. Ang sarap ng sayaw ng kaniyang labi sa akin, hindi ko natikman ang ganito kasarap na halik mula kay Ethan. Habang naglalapat ang mga labi, naka ilang beses pa siya sa paglunok. Napa pikit ako sa sarap, para bang nagugustuhan ito ng labi ko. Ngunit sa kalagitnaan ng sarap ay muli siyang tumigil. Napadilat ako, tapos na pala ang aing paghahalikan. Nagpalakpan ang mga bisita namin na kahit isa ay wala akong kilala. Ang weird, ako lang siguro yung bride na nasa ganitong sitwasyon. Pero mabuti na rin siguro na walang representative sa pamilya ko dahil masalimuot ang secret wedding na ito. Sapat nang ako lang ang makarating sa ganitong bangungot. Napaka boring ng wedding na ito. Ni wala man lang kahit na anong romantic song o pakulo. Pure wedding lang na minadali. Nabuhayan lang ako ng dugo nang makita ko ang eight layer cake na mayroong figurine namin ni Jonas. Tapos manggo flavor pa yung cake. "Now, do me a favor at ikaw na ang mag slice ng cake para sa akin," mahina niyang pag uutos sa akin. Napangisi ako kahit na mas gusto kong siya ang gagawa nito. Sa kaba ko sa dami ng mga mata na nanonood sa amin, napalaki ako ng scoop sa cake. He looks at me in shock.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD