"Oo nga pala, Denver," saad ko nang bigla kong maalala ang ginawa sa akin ni Chelly. Tumingin siya sa akin. Nakakatuwa na palagi siyang interesado sa mga sasabihin ko. "Ano iyon?" tanong niya. "Pumunta kasi ako sa admin's office nang nakaraan para hanapin si Xaphier," kuwento ko. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang nangyari kay Xaphier. "Pagkalabas ko ng office ay bumungad sa akin si Chelly. Nagpakumbaba pa nga ako para hindi ako saktan o ano." Ayoko pang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Xaphier. Wala muna dapat maka-alam ng secret tunnel. Kapag marami na ang naka-alam, mas malaki ang chance na mabuking kami. "Anong ginawa sa iyo ni Chelly?" tanong niya pa. Sinuri niyang mabuti ang aking katawan. Akala niya siguro ay sinaktan din ako nito. "Hinila niya ako para sabihin na layuan ko

