Dire-diretso ang lakad namin ni Mio. Hawak niya pa rin ang aking kamay. Hindi na rin namin pinansin ang ibang mga estudyante na nakatingin sa amin. Hanga rin naman ako sa pagka walang pakialam ni Mio sa iba. Pumunta kami sa mga parang maliliit na kubo sa field. May parang kwarto rin ito kung saan hindi ka maririnig ng iba. Ginawa ito para magkaroon ng privacy para mga students. Hindi ako against sa nagawa nila. Mas makakatulong pa nga ito para sa mga private conversations. Umupo kami ni Mio sa sahig. May nakapatong naman itong pansapin. Ang lamesa ay katulad sa Japanese Style. Huminga na naman ako nang malalim. Ngayon ay malaki talaga nagpapasalamat ko kay Mio. Malaking bagay ang paglayo na sa akin kila Kaliex. "Maraming salamat, Mio," pasasalamat ko. "Kahit hindi mo naiintindiha

