VvH Chapter 19

2500 Words
Tapos na akong turuan ni Mio sa dalawang subjects. "Sa susunod na mga araw na lang ang iba," saad ko. Anong oras na rin kasi. Baka mamaya ay maaga siyang natutulog. "Okay," ika niya. "Mabuti at mabilis kang matuto. Sa iba ay kulang pa ang isang araw sa isang subject." Kinuha niya ang numero ko para raw mabilis namin ma-contact ang isa't-isa. Kinuha ko na rin ang kaniya. "Okay ka na ba talaga, Mio?" tanong ko sa kaniya. "Kamusta ang pakiramdam mo? Nahimatay ka kasi noong may nangyaring hindi maganda sa dorm mo." Kahit papaano ay concerned ako sa nangyari sa kaniya. Kasalanan ko pa rin ang nangyari sa kanila ni Xaphier. Hindi ako naging maingat sa aking mga ikinikilos. "Ayos naman na ako. Maraming salamat pala sa pagligtas mo sa akin. Dinalaw mo rin pala ako sa Clinic. Isang malaking pasasalamat iyon para sa akin," nakangiting sabi niya. Nakakatuwa na kinakausap na niya ako na parang normal. Hindi siya ganito sa iba. Maswerte ba ako na nakuha ko ang kaniyang atensiyon? Hinawakan ko ang kaniyang balikat. Ika ko, "Hanggang kaya kong makatulong sa aking kapwa tao, gagawin ko. Hindi ako maramot, Mio. Hangad ko ang kaligtasan ng mga tao." Nakatulala lang siya sa akin. Tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat. Mabait naman talaga ako, pero hindi sa lahat. Mahirap maging mabait kung hindi mo alam ang totoong katauhan ng mga nakakasalamuha. Si Vika ang isang example na medyo gumaan ang pakiramdam ko, pero may malaki pa lang atraso sa akin at sa pamilya ko. Hinatid ko si Mio palabas ng aking dorm. Bigla kong nakita si Denver na kausap sila Zoe at Levi. Magkakatabi pala ang kanilang dorm? Hindi ko sila napapansin. Pumasok ng kani-kaniyang dorm si Levi at Zoe. Balak ko sanang puntahan si Denver, pero pinigilan ako ni Mio. Hindi pa pala siya nakakabalik sa kaniyang dorm? "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Pumasok ka na sa loob. Gabing-gabi na." Sumimangot ako sa kaniya. Hinihintay niya akong makapasok sa aking dorm. Wala siyang balak umalis sa tapat ng pintuan ko kung hindi ako babalik sa loob. "Fine. Goodnight, Mio!" sambit ko. Isinarado ko na ang pintuan ng aking dorm. Naabutan ko pa siya kanina na natatawa. Kunwari ay normal lang ako at walang alam na may nagmamatyag sa akin. Tsaka ko na irereklamo ang CCTV kapag nakuha ko na ang tiwala nila. Umupo ako sa may lamesa. Nakaharap ako sa CCTV. Binasa ko ang text ni Den na wala raw kahit isang CCTV sa kaniyang dorm. Mas mabuti nga at hindi siya nadamay. Sinabi rin sa akin ng Scientist namin na kusang matutunaw ang bilog na pinaglagyan ng toxic bomb. Iyon ay kapag naulanan. May content kasi sa ulan na pwedeng magpalahi nito. Pinatay ko na rin ang ilaw sa may living room. Pumasok na ako sa aking kwarto na hindi sinusulyapan ang CCTV. Nilinis ko ang buong kwarto ko para makasiguro na walang voice recorded o camera na nakakabit. Nakahinga ako nang maluwag. Wala nga silang inilagay sa kwarto ko. Dapat lang na alam nila ang salitang privacy. Kinabukasan ay bumaba ako sa secret tunnel. Pwede ko na raw mapuntahan ang bahay na pinagawa ko. May secret door din na halos naka-merge sa pader. Doon ako dumaan papuntang bahay. May susi akong hawak. Iniwan kasi nila ito sa may tapat ng bukasan ng ilaw. Pagbukas ko ng pinto sa basement ay bumungad sa akin ang mga machineries na pinapagawa ko, para sa paggawa pa ng mga lunas at toxic bombs. "Nandito po sa kabilang kwarto ang pagawaan ng toxic bombs," saad ng isa naming miyembro. Sumunod ako sa tinuturo niya. Nakahiwalay ang pagawaan ng toxic bombs at ng potion. Ang pagawaan ng potion ang bubungad mula sa pagpasok mula sa tunnel. "Maganda ang pagkakagawa ha?" puri ko. "Maari na pala akong tumambay dito para masigurado ang kaligtasan ng mga magtatrabaho rito." Ngumiti sa akin ang ibang members. Masaya sila na natutuwa ako sa mga nagawa nila. "Hindi lang iyon, Ma'am Minlei," saad ni Mrs. Stacey. "Marami na po ang balak magpatayo ng bahay dito. Magsisimula na po ang iba sa susunod na linggo." Namangha naman ako sa sinabi niya. Si Mrs. Stacey ang isa sa mga magaling makipag-negotiate sa ibang mga tao. "Mga miyembro ba natin ang magpapagawa?" tanong ko. "Majority lang. Mayroon nga ring mga politicians na magpapagawa rito. Maganda raw kasi ang lugar," sagot ni Mrs. Stacey. Mas maganda iyan. Kusang nagpapatayo na ang mga may katungkulan sa bansa rito. Mahihirapan na lalo ang mga bampira na gumalaw. "That's a good news. Hindi na pala natin kailangang gumastos pa para sa mga bagay na iyan. Makakapagfocus na tayo sa ating plano," saad ko. Ang basement na ito ay katulad ng aming dorm. Inaral ng mga engineers namin at ibang trabahador ang pagkakagawa ng dorm ko. Marami rin akong natututunan sa Vnight Academy. Akalain mong malaking tulong ang pagpasok dito. Nilibot ko ang kabuuan ng bahay. Sinilip ko rin ang attic sa taas. May pasimple itong pangsilip sa loob ng Academy. Talagang napakagaling nang pagkakagawa nito. "Bale ang attic at basement lang po ang soundproof. Ginawa naming normal lang ang first at second floor para hindi po mahalata," saad ni Engineer Abuelo. "Tamang-tama lang po iyan. Hindi pa sapat ang kaalaman ko sa ibang aspeto. Maraming salamat po sa lahat ng mga improvements na idinagdag niyo po," pasasalamat ko. Inabutan ko siya ng cheque. Tila nagulat pa nga siya. Alam kasi nila na sila Tita at Tito ang nagpapasweldo sa kanila. "Para saan po ito?" tanong niya. "Bonus niyo po. Natuwa po ako sa ginawa niyo sa mga plano ko. Kayo na po ang bahala magbigay sa iba. Kayo pa rin po ang ia-assign ko sa facilities na ipapagawa namin sa iba't-ibang lugar," masaya kong sabi. Kita ko ang sincere na tuwa sa kaniyang mga mata. Masarap talaga sa pakiramdam na nakakatulong ako kahit sa ganitong bagay lang. "Maraming-maraming salamat, Ma'am Minlei," saad niya. "Malaking tulong ito para sa mga trabahador natin. Alam niyo naman ang hirap ng buhay ngayon." Totoo iyon. Kumuha rin ako ng ibang trabahador na nangangailangan ng pera. Mas magandang kumuha ng ganoong employees, mas malaki ang tiyansa na mataas ang performance rate nila. Knowing Engineer Abuelo, hindi iyan kukuha kahit piso sa ibinigay kong bonus. Ipamimigay niya ang lahat ng iyan sa kaniyang trabahador. Miyembro namin si Engineer Abuelo kaya matagal na rin namin siyang kakilala. Bumaba na kami. Kailangan ko na ring bumalik sa aking dorm. Nakita ko si Den sa labas ng pintuan gamit ang kinabit kong CCTV sa labas. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Pinasisimulan ko na rin ang paggawa ng mga facilities na sinasabi nila. Pagkabalik ko sa dorm ay nagmadali ako sa pagbukas ng pinto. "Ang tagal naman!" biro sa akin ni Den. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sinenyas ko na may CCTV. "Pasensiya na. Naliligo kasi ako. Kita mo namang tumutulo pa ang tubig muna sa buhok ko," saad ko. Napaghandaan ko na rin ito. Natawa lang siya. Kumuha ako ng tuwalya para ipulupot sa aking buhok. "Ayusin mo nga sarili mo. Kumain ka na ba?" tanong niya. "Ako na ang magluluto. Sa lagay mo na iyan, halatang kagigising mo lang." Tinutulungan niya akong magmukhang mabait sa CCTV. "Late naman ako palaging magising, Den. Okay lang naman iyon dahil hapon hanggang gabi ang klase natin," natatawang sabi ko. "Huwag ka ngang masungit diyan." Pumunta siya sa kusina. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Kumuha lang ako ng prutas sa ibabaw ng lamesa. Iyon muna ang kinain ko. Nagkunwari ako na wala pa akong kinakain. May refrigerator naman talaga sa kwarto ko. Mini lang iyon kaya mga pagkain na madaling kainin lang ang nandoon, pati na rin ang mga inumin. Nag-phone lang ako habang naghihintay kay Den. Hindi naman kita sa CCTV ang ginagawa ko sa phone. May naisip na naman ako na pwedeng magpamukhang inosente sa akin. Tumayo ako at tumapat sa CCTV kung saan pwedeng mabasa at makita ang screen ng cellphone ko. Nag-browse ako ng mga books na pwedeng bilihin. Pwede ko kasi iyon ipabili sa admin, at sila Tito at Tita ang magbabayad. Hanggang sa napunta ako sa mga TV. Naalala ko na pwede na nga pa lang magpakabit ng TV. "Den! Samahan mo ako mamaya bago pumasok sa admin," pakiusap ko sa kaniya. Talagang nilakasan ko iyon para rinig sa voice recorder. "Anong gagawin mo na naman?" masungit na sigaw niya. Nasa kusina kasi siya kaya kailangang magsigawan kami. "Gusto ko kasi ng TV. Wala akong magawa rito kapag mag-isa ako. Panay tulog na lang ako nang tulog," ika ko. "Ha? Pwede ba iyon?" tanong niya. Alam na niyang pwede iyon. Sadyang magkaibigan lang kami kaya alam na namin dapat ang mga palusot. Ngumiti ako na para bang excited. Sagot ko, "Nakita ko kila Mio na may TV siya. Sabi ni Xaphier ay pwede raw iyon, basta magpapaalam sa admin. Admin na rin ang bibili ng gusto nating TV. Kaya eto, naghahanap ako sa online ng maganda." Nagmunwaring tinitingnan ko ang quality ng mga nakikita ko. Lumayo na rin ako sa CCTV. Mahirap na kung biglang may tumawag ko mag-message sa akin. Bumalik ako sa lamesa para kumuha ng isang kiwi. Pinilit kong huwag mag-react nang mabasa ko ang text ni Kaliex. Sinabi niya na mag-uusap daw kami. Hindi ako nag-reply. Mag-uusap lang kami kung tungkol iyon sa subject na tinuturo niya. "Ang seryoso mo riyan, parang TV lang e. Ako na ang titingin ng products. Mas magaling ako sa iyo sa ganoon," saad ni Den habang bitbit ang niluto niya. Sumunod ako sa kaniya sa may lamesa. Inamoy ko ang niluto niya ay umarte na parang nababanguhan. Totoo naman mabango. Mas magaling magluto sa akin si Den. Chef kasi ang kaniyang Mom. Namana niya ang angking galing nito. "Sa wakas, pinagluto mo ulit ako. Nakakapagod na sa Cafeteria palagi kumakain. Minsan ay nakakaumay na rin ang mga niluluto ko para sa dinner," saad ko. "Pumunta ka palagi sa dorm para hindi ka palaging sa Cafeteria kumakain. Wala ka nga atang breakfast. Hayaan mo, dadalhan na kita ng lunch tuwing free time ko." Sinabi niya iyon habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Tumango lang ako. Kunwari ay excited na akong kumain. Ang hirap pa lang magpanggap sa harap ng CCTV. Sa harap ng ibang tao ay madali lang. Malamang ay minamatyagan na ang mga kilos o galaw ko. Kahit si Vika ang idinidiin, hindi pa rin nila maiwasan na hindi maghinala sa amin. Gusto kong sabihan si Xaphier tungkol sa CCTV. Paano ko kaya iyon gagawin? Pagkatapos namin kumain ay nagbihis na ako. Hinintay pa ako ni Den para sabay na kaming pupunta sa admin. Lumabas na rin kami ng dorm. "Den, kailangan natin kausapin si Xaphier. Pwede bang sa dorm mo na lang tayo mag-aral?" tanong ko. Hindi naman talaga pag-aaral. Ginawa ko lang iyon palusot sakaling may chismosong bampira. "Hey!" May kumulbit sa aking balikat. Automatic na napalingon kami ni Den sa tumawag sa akin. Si Denver pala iyon. "Uy, Denver! Kamusta ka na?" tanong ko sa kaniya. "Maayos naman na. Nakabawi-bawi naman agad sa ilang araw na absent. Medyo magaling na ang mga sugat ko. Pumeklat nga lang," sagot niya. Sinuri ko ang kaniyang katawan. Kinurot pa ako ni Den sa tagiliran para mapigilan ang pagtingin ko sa katawan ni Denver. Bigla tuloy akong nahiya. "Good to hear that you are okay," saad ko. "Ito nga pala si Den, kababata ko. Mabait iyan at sigurado akong magkakasundo kayo." Tumingin ako kay Den na nakangiti na kay Denver. "Nice to meet you, Denver. Parehas pala tayong may Den," ika ni Den. Ngayon ko lang din iyon na-realize. Kailangang buo na talaga ang itawag ko kay Denver. "Nice to meet you too, Den. Sana ay mas makilala ko pa kayong dalawa," saad naman ni Denver. "Saan pala ang punta niyong dalawa? Ang aga ata niyong umalis ng dorm?" Aware kaya siya na may TV sa mga dorms? "Pupunta sana kami sa admin para mag-request ng TV. Nabalitaan ko kasi na pwede pala iyon. Ilang buwan na kaming nagtitiis na walang TV," paliwanag ko. Ito na ang tamang oras para itanong sa kaniya ang tungkol sa dorms kapag may mga bagong estudyante. "Ganoon ba? Samahan ko na kayo. Sayang, dapat pala maaga tayong nagkakilala para natatanong niyo ako tungkol dito," ika niya. Malaking tulong talaga kung makukuha ko si Denver bilang panibagong miyembro namin. Pagkarating namin sa admin ay patay malisya akong nagtanong tungkol sa TV. Alam kong pinaghihinalaan nila ako, kaya naman as long as kaya kong magpanggap, gagawin ko talaga. Ngumiti pa ako sa miyembro ng admin na alam kong nagkabit ng CCTV. Akala niya ba ay hindi ko alam ang ginawa niya? Ang galing niya ring umarte na parang walang ginawa. Sabagay, doon naman sila magaling, ang magpanggap. Malapit na rin magwakas ang buhay ng mga bampirang nandito. Nakasisigurado ako roon. Pasimple kong minamatyagan ang office nila para sa gagawin kong plano. Medyo matagal kasi ang process nila ng request kaya talagang nakakatamad maghintay. May isang bintana sila na palaging nakabukas. Iyon ay ang pinagkukunan ng mga papeles ng mga estudyante sa labas. Kailangan kong malaman ang oras na bukas at sarado ito. "Approved na ang request niyong dalawa. Kakausapin ko na lang ang mga magulang o guardians ninyo para sa gastos nito," saad ng isang staff. Kunwaring masaya kami ni Den. Nagkatingin pa kami at parehas na tumawa. "Maraming salamat po, Ma'am!" saad ko. "Salamat po. Napakalaking bagay na po nito sa amin," saad naman ni Den. Nagpaalam na rin kami. Nakangiti rin naman sa amin ang babaeng pumasok sa dorm ko. Mukhang nakukuha ko na ang loob niya. Kapag ba nalaman niya na inosente ako, tatanggalin na nila ang CCTV? "So saan na tayo? Masyado pang maaga, Minlei," tanong ni Den, mukhang ayaw umuwi sa dorm niya. "Tara sa dorm ko. Mukhang marami tayong pag-uusapan. Maaari ko ba kayong maimbitahan?" yakag ni Denver sa amin. Si Den ay agad na nagbago ang mood. Mukha na siyang excited. "Sure!" pagsang-ayon ni Den. Tamang-tama ang pag-anyaya niya sa amin. Kailangan talaga namin siyang makausap tungkol sa clan at sa Academy na ito. "Count me in," saad ko. Masaya ako na napapalapit na ako sa mga siguradong tao talaga. Kapag mas marami na kami, mas madaling makakagalaw. Sa ngayon ay paplanuhin ko na bago matapos ang unag taon ko rito, kailangang mapasabog ko ang toxic bomb sa administration office. Matagal-tagal pa naman ito. Isang sem pa lang ang malapit nang matapos. May isa pang semester bago tumuntong sa ikalawang year ko rito. Napansin ko si Mio na kalalabas niya lang ng kaniyang dorm. Saktong may araw pa. Talagang tao siya dahil hindi niya alintana ang init. Umakbay sa akin si Den at ginuide papasok sa dorm ni Denver. "Wow! Ang ganda ng dorm mo, Denver!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD