Naging normal na ang samahan namin ni Mio. Mas nagtibay ang pagkakaibigan namin. Minsan nga ay nagtatampo na si Den dahil palaging si Mio ang aking kasama. Ngayon ay magkasama na ulit kami ni Den. Pupunta ulit kami sa Mansion. "Mukha na kayong magkasintahan ni Mio. Buti na lang at hindi ka pa pinupuntirya ni Chelly," saad ni Den. Noong una ay iyan din ang concern ko, pero ilang araw na rin ang nakalilipas. Wala namang ginagawang kakaiba pa si Chelly. "May devices na rin akong ikinabit sa aking dorm para malaman kung may sasalising bampira sa loob. Hindi pa gaanong kaganda, helpful pa rin naman," paliwanag ko. Sa sobrang bilis nilang kumilos ay hindi na ako magtataka kung makakasalisi sila sa dorm ng mga normal na tao. Paniguradong ganoon ang nangyari kay Xaphier. Hindi ko pa pala si

