I can't let go, so I remember... I have to remember. Because memories is all I have left. ♡ ♡ ♡ NAALIMPUNGATAN si Ramona nang ipatong ni Reese ang binti nito sa hita niya. Humigpit ang pagkakayakap ng isang braso nito sa beywang niya at nagsumiksik pang lalo sa kaniyang katawan. Bahagya siyang lumingon at sinilip itong nakayakap sa kaniya likuran. Natatakpan ng kumot ang katawan nila. Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Resse. Naalala niya kasi ang pinag-usapan nila bago makatulog. "Ang tagal pa ng four years..." Pumihit si Ramona paharap kay Reese. "Anong ibig mong sabihin, hmmm..." He traced her shoulder with his fingertip. "Kasi after pa natin grumduate ng college pa kita pwedeng pakasalan..." Napangiti si Ramona. "Saglit na lang 'yon... 'di natin namamal

