HINIHINGAL at pinagpapawisan na nakarating sa rooftop si Ramona at Penelope. May ilang mga kaklase na nila doon na kinakatok ang nakasaradong pintuan palabas sa rooftop. "A-anong nangyayari! Nasaan si Wesley at Reese?" Habol hiningang tanong ni Penelope, pinunasan ng panyo ang noo nito. "Nasa loob. Naka-locl tong pintuan, eh. Kanina pa namin—" Natigilan sa pagsasalita ang kaklass nila nang mula sa loob, marinig ang natatarantang tili ni Maddison. "Reese! Wes! Stop it! Ano ba? Tama na!" Namimilog ang mga matang nagkatinginan si Penelope at Ramona. Natatarantang kinalampag nito ang nakasaradong pintuan. "Open the door! Mads! Mads!" Pagkatapos ay inikot-ikot ang doorknob. "Reese!! Wesley!!" Hindi malaman ni Ramona ang gagawin. Panay ang kutkot niya sa mga daliri at kagat ng mariin a

