I cannot promise not to touch you, not to kiss you… and not to make love with you… ♡ ♡ ♡ Naguguluhan pa rin si Ramona kung paanong umikot ang mundo ng one eighty degree. Sa mga sumunod na araw kasi ay bumalik ang dating Maddison na kilala niya. Palagi na ulit itong pumupunta sa bahay, nag-s-sleep over, late nights chikahan over the phone at ang sweetness nito na parang isang tunay na kapatid. Dapat na maging masaya siya, dahil 'yon naman ang hiling niya bago ang graduation, hindi ba? Pero bakit iba ang sinasabi ng kaniyang instinct? Nakasabit ang backpack sa likuran at kipkip ang dalawang libro, lumabas si Ramona ng kaniyang silid at binaybay ang hallway patungo sa hagdanan. Subalit natigilan siya sa paglalakad nang makarinig ng mahihinang pagsinghot at paghikbi. Nilingon niya

