She's not a mere mortal. She's an angel who forgot her way back home- Sparsh *** Your Light Will Shine Forever Lenora Annalize Ainsley 1953-2003 "Mom, I'm home..." Hinipo ni Ramona ang makintab na lapidang gawa sa marmol. Kasalukuyang nandito siya sa sementeryo at nakasalampak sa damuhan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kaniya kung ano ba tunay na ikinamatay ng mommy niya. Aunt Marga found her dead inside her room. Ang sabi ng mga doctor ay cardiac arrest. But her mom didn't suffer from any kind of heart diseases. Sa panahong 'yon nagpapatangay na lang si Ramona sa agos ng mga pangyayari. She was just too young to deal with the pain of losing the only parent she has. Until now, hindi man lang nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Ramona sa puso niya. Hindi niya matan

