NAKASUOT ng ternong stripes na pink pajama, hindi makapaling nagpalakad-lakad si Ramona sa paanan ng kama. Tiningnan niya ang orasan na nasa pader at nakitang alas otso na ng gabi. Napalingon si Ramona sa pinto nang marinig ang mga yabag na papalapit. Mayamaya ay bumukas iyon ay sumilip ang mommy niya. Nakangiti itong naglakad palapit sa kama kung siya nakaupo at inilapag ang dalang baso na may gatas. "I brought your milk." Imbes na inumin 'yon, yumakap ng mahigpit si Ramona sa Mommy niya. Napapikit siya at parang batang ibinabaon pa ang mukha sa dibdib nito. Pag-uwi niya kanina galing sa school, nakabuntot lang siya rito at panay yakap. Kalahati ng buhay ni Ramona nangungulila siya sa mommy. Ang dami niyang gusto sabihin rito. Gusto niyang ipagmalaki na nakapagtapos siya ng colleg

