CHAPTER 39 PAGKALABAS ko ng kaniyang Opisina ay napasandal ako sa pinto. Hindi ko lubos akalain na sa nakalipas na dalawang taon ay muli pa kaming magkita at sa ganito pang sitwasyon. Palaisipan pa rin sa akin kung paano niya naabot ang ganitong gayung dati lamang siyang magbubukid. Humugot ako nang hinga at nagpatuloy na sa paglakad. Hindi na rin naman mahalaganh isipin iyon dahil matagal na kaming tapos. Isa pa wala akong pakialam kung mayaman na siya dahil mayaman din naman ako. Medyo nagkakaproblema nga kami sa negosyo ngayon pero hindi pa naman kami namumulubi. Sumakay ako ng elevator pababa sa unang palapag at dumerecho sa aking pinakamamahal na red Porsche. I drove the car to the airport because I have to fetch someone. Tiningnan ko ang oras sa relong suot ko. Five thirty pa la

