CHAPTER 4

3557 Words
Chapter 4 "Syempre kailangan mong balatan. Saan ka nakakita ng kamoteng kahoy na nilaga ng hindi man lang binalatan?" Galit nitong tanong. Malay ko ba naman kasi na kailangang balatan iyon bago lutuin. Alam naman niya siguro na hindi ako kumakain ng mga pangmahirap na pagkain. Dapat maintindihan niya kung bakit nagkamali ako sa bagay na ito. Hindi ko naman kasi gawain ang mga ganito. Prinsesa ako sa bahay at hindi kasambahay. Naglakad ako palapit sa kaniya at humalukipkip. "Bakit pwede namang balatan bago kaiinin ah? Iyong sweet potato nga niluluto nang hindi binabalatan tapos kapag kakainin na saka lang babala—" "Magkaiba iyon. Ang tigas kaya ng balat nito. Bago pa man makain ang ikalawa gutom na naman dahil magbabalat pa. At saka lahat ng kamoteng kahoy binabalatan muna bago lutuin. Sa 'yo lang naman ako nakakita ng kamoteng kahoy na hinugasan lang tapos pinakuluan na agad. Ni hindi mo pa nga nahugasan ng maayos sinaklang mo na. Tingnan mo oh kulay putik pa iyang pinagpakuluan mo ng kamote. Sa susunod balatan mo na ah. Sa ngayon pagbibigyan na muna kita. Sige maupo ka na at sabayan akong mag-almusal." Mahaba niyang sermon. Parang kamote lang galit na galit agad. Sinermunan pa ako, papakainin din naman pala. Humatak na lang ako ng silya at naupo na rin. Kahit hindi ko gusto ang pagkain ay wala akong magagawa dahil wala akong ibang makakain. Binalatan niya iyong kamote at ipinagbalat din niya ako. Tahimik lang naman ako na pinanunuod siya habang nagbabalat. Nang mabalatan niya iyon ay saka lang kami nakakain. Tama siya magutom nga ang ganitong babalatan pa. Hindi ako masyadong nabusog ng kamote dahil hindi ko rin naman kasi bet. Tapos bagoong pa iyong sawsawan. Ang baho kaya. Hindi naman sa pagiging maarte pero masama ba na hindi ko gusto ang amoy nun? He asked me pa to dip the kamote in the bagoong which is very grossy for me so hindi ko na lang ginawa. Matapos kumain ay inutusan niya ako na hugasan ang mga pinagkainan. Wow ha! Ako na nga ang nagluto tapos ako pa ang maghuhugas. Nasa harapan na ako ngayon ng lababo at ilang minuto na ring tinititigan ang maruruming hugasin. Sa twenty four years ko sa mundong ito never pa akong nakapaghugas ng plato. May mga Maids naman kasi kami na gagawa nito. Mayaman kami, hindi ko kailangang magtrababo. "Hindi mahuhugasan iyan kung tititigan mo lamang." Puna ng pakialamero kong amo na mukhang aso. "You don't need to say that. Tingin mo ba hindi ko iyon alam?" Sarkastika kong tanong. Ang ayaw ko sa lahat ay iying pinapakialalaman ako sa mga ginagawa ko. Kung siya kaya paghugasin ko hindi iyong puro siya dada. "Alam mo miss kahit mag-orasyon ka pa d'yan hindi mahuhugasan ang mga platong iyan kung hindi ka kikilos." "Shut up! Doon ka na nga." Nakabusangot ko siyang nilingon. Akala ko ay aalis siya tulad ng inutos ko pero mas nainis ako nang lumapit siya. "Don't tell me pati paghuhugas ng plato hindi ka marunong?" Mapang-insulto nitong tanong halatang miniminus ako. "Minamaliit mo ba ako? Of course, I know how to wash the dishes," may pagmamalaki kong sagot. Hindi ko naman hahayaan na maliitin niya lang ako. Walang pwedeng magmaliit sa isang may dugong Corsiño. Dinampot ko ang sponge at tinaktakan iyon ng liquid detergent tulad sa mga napapanuod ko sa commercial sa TV. Ipinahid ko iyon sa maruming plato na muntik ko nang mabitawan dahil sa biglaan niyang pagsigaw. "Ano ba sa tingin mong ginagagawa mo?" Pagalit nitong tanong. "I'm doing the dishes. Can't you see this?" "Bakit sinasabon mo na agad iyong plato hindi mo pa nga natatanggalan ng mga dumi." Bigla akong natigilan. Kailangan pa bang tanggalan ng dumi? Sa commercials naman derecho kuskos na agad. Ipinapakita pa nga roon na pagpahid ng may detergent na sponge tanggal sebo agad. Makikita mo pa kung paano natanggal ang sauce sa plato. "But that what I saw in commercials." Depensa ko naman. "Magkaiba iyon. Kapag maghuhugas ka dapat maglalagay ka muna ng tubig sa planggana at doon mo hahawhawan ang mga plato para matanggal ang dumi tapos ipatas mo para organize at hindi masikip sa lababo. Kapag natanggalan mo na ng dumi lahat taktakan mo ng sabon ang lababo at at kuskusin para luminis. Saka ka pa lang magsasabon ng plato. Dapat malinis iyong pagpapatungan kaya kailangan na sabunin mo para na rin hindi maglangis-langis ang mga hugasin. Get's mo ba?" Pagtatama nito sa akin. "Oo na oo na. Doon ka na nga kasi. Ako ang may trabaho nakikialam ka. Ikaw na kaya maghugas." Umikot ang mata ko sa iritasyon. Buti na lang talaga at umalis na siya. Dahil kung sakaling nag-stay pa siya rito at may mga sinabi pa, sinisigurado ko sa kaniya na ibabato ko sa kaniya itong mga platong hugasin. Diring-diring akong hinawhawan ang mga plato, tinidor, at baso sa plangganang may tubig tulad ng sinabi niya. Gosh! Naamoy ko iyong bagoong. OMG! Amoy bagoong na rin ako. Ang baho ko na. Inamoy-amoy ko pa ang aking sarili. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasabon ng plato nang muli siyang dumaan sa likuran ko. "Hindi ka pa rin tapos d'yan? Dadalawang baso, plato, at kutsara lang hinuhugasan mo tapos inaabot ka ng siyam-siyam. Bilisan mo nga d'yan at marami ka pang gagawin." "Puro ka reklamo bakit hindi ikaw gumawa nito?" "Trabaho mo iyan kaya hindi ko gagawin." "Iyon naman pala eh. Edi pumunta ka roon sa kuwarto mo at manahimik." "Pagkatapos mong hugasan iyan, magdilig ka naman ng halaman. Dapat bago mag-alas-nueve dilig na para hindi masyadong mainit. Actually dapat nga pagkagising mo iyon muna ang ginawa mo. Pero since tanghali ka na gumising, sige after mo na lang d'yan saka mo diligan." Umalis na ang hunghang pagkasabi nun. Ako naman ay ipinagpatuloy ang paghuhugas. Buti na lang talaga at hindi ako nakabasag. It is something I could be proud of myself. Not bad for a first timer. Matapos kong maghugas ay lumabas naman ako. Nakita ko ang laderang pandilig. Wala iyong lamang tubig. So kailangan ko pa pa lang umigib. Nilabit ko iyon at dinala roon sa posong sinasabi niya. Isinahod ko ang ladera at sinubukang bombahin iyon pero masyadong matigas. Naibababa ko naman ng paunti-unti pero matagal. "Kung ganiyan lang ang lakas na ibibigay mo baka sa isang taon mo pa mapuno ang laderang iyan." Heto na naman ang boss kong pakialamero. Gusot ang mukha kong humarap sa kaniya. "Alam mo iyong salitang huwag kang makialam?" sarkastika kong tanong. Akala ko ay makikipagtalo siya sa akin pero laking gulat ko na siya na mismo ang nagbomba para malagyan ng tubig ang lagayan ko. Nagawa niya iyon ng ilang segundo lamang ng walang kahirap-hirap. Nang mapuno ng tubig ang ladera ay dinala niya iyon sa kung saan ako magdidilig. Ako naman ay nakahalukipkip na sumunod sa kaniya. "Sige na magdilig ka na. Huwag mo lang lulunurin ang mga halaman. Sana lang iyan alam mo na," aniya bago ako tuluyang iniwan. Dinampot ko ang ladera at nag-umpisa nang diligan ang mga tanim na halaman at bulaklak. Hindi naman mahirap sa akin ito dahil may mga halaman din akong inaalagaan sa garden ko. Inferness ah ang gaganda ng mga tanim nila rito. Siguro sa Nanang Isme niya ang mga ito. Halatang alagang-alaga ang mga halaman. Bumalik ako sa loob ng bahay matapos magdilig. Lilinisin ko naman iyong kuwartong tinulugan ko kanina. Inayos ko muna ng patas ang mga unan saka ko tiniklop ang kumot. Hindi ako bobo para hindi alam ang simpleng pagtitiklop. Hellooo? I owned a clothing line kaya. So alam ko kung paano gawin ito. Sa dami ba naman ng telang nahawakan ko. Habang nagpupunas ako ng sahig ay hindi ko maiwasang maisip ang sitwasyon ko ngayon. I never imagine before na magiging katulong ako. At lalo't higit ang maging katulong ng isang magsasaka. I am a Corsiño! Hindi ako dapat tinatrato ng ganito. "Pagkatapos mo d'yan isunod mo naman iyong kwarto ko. Tapos linisin mo rin iyong sala, tanggalan ng agiw, mag-alikabok, at punasan ang sahig." Hindi ko na lang siya inimikan dahil siguradong magtatalo lang kami. Pero sa loob-loob ko ay minumura ko na siya sa aking isipan. Pawis-pawisan akong lumabas ng kuwarto labit ang ang timba at basahan. Umakyat ako sa taas at dire-derechong pumasok sa kuwarto niya. "Oh my gosh!" Naibulalas ko nang maabutan ko siyang walang saplot sa kuwarto. Mabilis niyang ipinantakip ang kumot sa katawan. Tinitingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Basa ang kaniyang buhok at katawan. Halatang katatapos lamang maligo. "Bakit bigla ka na lang pumapasok? Hindi ka ba marunong kumatok?" Iritado nitong tanong. "Malay ko ba naman kasi na nandito ka at nakaganiyan." "At talagang tinititigan mo pa ako huh." "Ewan ko sa 'yo. Feeling ka masyado. Bahala ka na nga d'yan." Lumabas na ako at pasalampak na isinarado ang pinto. Oh My Gosh! Nakita ko. Ipinilig ko ang aking ulo sa isiping iyon. Naupo muna ako sa sofang kawayan upang makapagpahinga saglit. Sobrang nakakapagod itong ginagawa ko. Mga ilang saglit pa at lumabas na siya sa kuwarto na bihis na. "Ayusin mo ang paglilinis sa kuwarto. Pupuntahan ko lang sina Aleng Ducina. Huwag ka na ring magtangkang tumakas dahil marami akong mata sa paligid," aniya bago bumaba ng hagdan. Napabuga na lang ako ng hangin at pumasok na sa kuwarto niya. Nagsisigaw ako sa kuwarto dahil sa sobrang inis. Dapat wala ako rito. Dapat nasa Manila ako at ako ang pinagsisilbihan. Hindi ko dapat ginagawa ang mga ito. Hindi ko nga alam kung bakit napapasunod ako ng lalakeng iyon. Pero dahil wala naman akong ibang pagpiliian, at kahit na maglupasay pa ako rito wala rin namang magbabago. Kapag tumakas ako, wala rin naman akong mapupuntahan. Okay lang sana kung sa pag-alis ko rito ay pwede akong lumipad papuntang ibang bansa. Kaso hindi nga pwede dahil wala naman akong pera ngayon. Iyon naman kasi talaga ang plano ko noong una. Lilipad ako papuntang France at doon muna mag-i-stay pansamantala habang nagpapalamig ako sa issue ng pagtakas sa kasal. Ngunit lahat ng plano ko ay nabulilyaso. Kaya heto ako ngayon sa bahay ng isang binatang magsasaka at nagsisilbi bilang kasambahay. Gustuhin ko mang umalis ngunit kapag ginawa ko iyon ay ako lang din ang mahihirapan. At least dito may natutuluyan ako at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Ito rin ang pinakamagandang pagkakataon para magtago. Hahanap lang ako ng magandang tyempo saka ako aalis. Napahiga ako sa kama sa sobrang pagod. Napupuno na ako ng alikabok at halos maligo na sa pawis.Narinig ko ang yabag ng paa ng boss ko kaya nagmadali akong bumangon at nagpanggap na nagwawalis-walis. Bumukas ang pinto at nadatnan niya ako na sobrang sipag. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng kahoy na sahig upang ipakita sa kaniya na hindi ako mahinang nilalang. Pero sobrang nakakapagod talaga. "Okay lang 'yan, Caliyah. After naman nito wala ka ng gagawin pa," sabi ko sa isip ko at pinahid ng braso ang pawis sa aking noo. "Bilisan mo d'yan dahil mag-aararo ka pa." Napatigil ako sa pagpupunas nang marinig ang kaniyang sinabi. Ako mag-aararo? Ako na si Caliyah Faye Corsiño na tagapagmana ng malaking kumpanya at anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa, pagtatrabahuhin niya sa bukid? "I will not do that!" Giit ko. Sino ba siya para utusan ako? He is just a farmer who owned a small portion of land. "May usapan tayo. Kasama iyan sa pinirmahan natin, hindi ba?" tanong nito at naglakad palapit sa akin. "Sinusuway mo na ako?" "This is harassment!" Bulyaw ko sa sobrang inis. Masyado na niya inaabuso ang kontrata. Kapag talaga ako nakahanap ng tyempo na makaalis sa lugar na ito sisiguraduhin ko na gagawin kong impyerno ang buhay ng lalakeng ito. I will make him suffer! Hanggang sa siya na mismo ang luluhod sa akin para magmakaawa. "Anong harassment dito? Hindi naman kita sinaktan at higit sa lahat sumang-ayon ka sa lahat ng ito. Nagpirmahan tayo, remember?" Tumalikod ako at humalukipkip dahil sa sinabi niya. Kahit naman anong sabihin ko ay wala akong laban. Hinarao ko siya at tiningnan ng palaban. Hindi ko hahayaan na apihin niya ako. Hindi ako mahinang babae tulad ng iniisip niya. "Mag-aararo lang pala. Edi tara sa labas." Tumaas ang isang sulok ng labi ko at nauna nang lumabas ng kuwarto. Naglalakad pa lang kami papunta sa lupang sinasabi niya pero tagaktak na ang pawis ko. Mataas ang sikat ng araw at malanit sa balat iyon. Mangingitim pa yata ako. Pagdating namin doon ay may mga taong nag-aabang sa amin. Lahat sila ay masama ang tingin sa amin—akin nang makita ako. Bakit pa ba ako magpapataka eh sigurado naman na ganoon sila dahil alam nila kung ano ang nangyari kahapon at alam nilang ako ang may kagagawan niyon. "Simulan mo na," sabi ng lalakeng nagdala sa akin dito. Pinagmasdan mo ang paligid. Basa ang palayanan kaya maputik. Sa paligid ng ektaryang ito ay nakapalibot ang mga taong naghihintay sa gagawin ko. Jusko ano ba itong napasok ko. Init nga ng araw hindi ko na carry, iyon pa kayang mag-araro. Para akong tutunawin ng mga tingin nila. Hindi ko naman ginusto iyong nangyari ah. "Seryoso ka ba na pag-aararuhin mo ako d'yan?" tanong ko. "Ano ba sa tingin mo huh? Hindi ba kaya nga tayo nandito para maumpisahan mo na ang trabaho mo?" "Pero ang taas kasi ng sikat ng araw. Paano na lang kung magka-sunburn ako? O hindi kaya naman ay ma-heat stroke?" Gosh! Ayokong umitim. Sayang lang ang lotions at sabon ko. Wala pa naman akong sunscreen ngayon. "Huwag ka mag-alala, araw-araw naman namin ginagawa ito. Tingnan mo, buhay pa naman kami, hindi ba?" "A-Alam ko pero h-hindi naman ako marunong magganyan. You that I'm not doing that thing. Hellooo? I'm a Corsiño, a heiress." "You are not a heiress now. You're my maid— my slave." Iniabot niya sa akin ang lubid, "Huwag ma mag-alala dahil nandiyan si Bravos para tulungan ka sa gagawin mo." "Who's Bravos?" I asked. "Bravos, halika nga rito!" Pagtawag nito sa sinasabing Bravos. Nakita ko ang kalabaw na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. May lalake na nakasakay doon. Ito siguro si Bravos. Bumaba ang lalake at hinarap kami. "Oh hi, I'm Caliyah. Ikaw pala ang tutulong sa akin. Please be gentle ah. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito. By the way, it's nice meeting you Bravos." I extended my hand. "Pasensya na binibini ngunit hindi ako si Bravos," tugon ng lalake at kaagad namang namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Binawi ko ang aking kamay dahil sa pagkapahiya. "Oh sorry. Akala ko talaga ikaw si Bravos. Pero kung hindi nga ikaw then sino?" Napalingon ako sa kalabaw na katabi niya. "Don't tell me ang kalabaw na ito si Bravo?" Oh My! Huwag naman sana. "Hindi ka nagkakamali Binibining Caliyah," sagot ni Mr. Delveña. "Ayoko nga baka mamaya kagatin pa ako ng kalabaw na iyan." Biglang nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi ko. "Hindi naman nangangagat si Bravos. Sa totoo lang ay mabait siya. Pero kapag abusado ang gumagamit nanunuwag din iyan," sabi nung lalake. "Ako nga pala si Franco." Nakipagkamay siya sa akin. "Caliyah Faye Corsiño." Tinanggap ko ang kamay niya. Yes, full name talaga. Hindi basta-basta ang apelyedo ko. We have a name— a title. And I should be proud of it. "Sige na Franco turuan mo na siya. Sayang ang oras kung magtititigan lang kayo d'yan." Inaya ako nung Franco at itinuro sa akin ang tamang gawin. Gwapo at hunk siya sa totoo lang pero wala akong planong mag-jowa ng magsasaka. It's not my type. Medyo mas komportable lang ako rito kay Franco dahil kumpara kay Asher hindi niya ako sinisigawan or inuutusan na para bang siya ang may-ari ng mundo. Malumanay siya at palangiti. Tinulungan niya ako sa kung ano ba ang dapat gawin pero talagang hindi ko kaya. Sobrang init pa ng panahon ngayon at para akong mapupupos sa sobrang init. Ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa likod ko. Bukod sa mabigat ay lumulubog din ang mga paa ko sa putik. Sa huli ay napasubsob lang ako sa putikan nang matangay ako ng kalabaw na nasa unahan ko at mawalan ng balanse. Nagsisigaw ako sa sobrang inis lalo pa at tumatawa ang mga tao. Putik-putikan na ako. Tutulungan na sana ako ni Franco pero narinig kong nagsalita ang kontrabida sa kuwento ng buhay ko. "Huwag mo siyang tulungan, Franco!" "Pero Asher—" "Malaki na iyan kaya na niya ang sarili niya. Si Bravos na lang ang tingnan mo dahil baka nasaktan." Wow ha! Iyong kalabaw pa talaga ang inalala niya. Samantalang ako heto at putik-putikan hindi lamang ang botang suot kundi pati na rin ang buong katawan. Mula ulo hanggang paa may putik ako. Ikaw kaya ang mapasubsob sa putikan. Lumusong si Asher at lumapit sa akin. Naupo siya upang magkapantay kami. Gusto ko sanang tumayo na pero bumaon ang bota ko— hindi ako makagalaw. "I hate you!" I shouted on his face. "I hate you too!" he replied and then he laughed like it's a joke. "Nakakainis ka talaga!" Kulang na lang ay lumabas ang ugat sa leeg ko sa sobrang gigil. "Yuck! Iww! Stop that." Naibulalas ko nang bigla siyang dumampot ng putik at ipinahid sa mukha ko. "What the heck do you think you're doing?" "Kapag nagtatrabaho ka hindi mo talaga maiiwasan ang madumihan. Hindi naman importante kung maputikan ka. Ang importante lang marangal ang trabaho mo." Inayos niya ang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit parang bumabagal ang oras habang tinititigan ko siya. "Wala ka pang kalahating oras na nagtatrabaho sa bukid sumusuko ka na agad. Mahirap, hindi ba?" "O-Oo," Wala sa sarili kong sagot. Nagulat ako nang isampay niya ang isang braso ko sa kaniyang leeg at bigla akong buhatin. Naiwan iyong bota na nakabaon sa putik. Dahil sa ginawa niya ay naputikan na rin ang kaniyang suot. Binuhat niya ako paalis sa lugar na iyon. Hindi ko mabatid kung bakit habang tinititigan ko siya ay para bang ang bagal ng oras. Hindi ko na rin naririnig ang tiliian ng ilang kababaihang kaedad ko. Binuhat niya ako hanggang sa bahay na tinutuluyan namin. Ibinaba niya ako sa tabi ng poso. "Why did you help me?" "Kailangan ba palaging may rason para tulungan ka? Hindi pa pwedeng ginusto ko lang?" tanong nito at nag-bomba sa poso upang lamnan ang timba. "Pero hindi ba at sinabihan mo si Franco na huwag akong tulungan dahil kaya ko na ang sarili ko?" Ang gulo rin ng isang ito eh. Pansamantala niyang ihinto ang ginagawa at tumingin sa akin ng direkta sa mata. "Bakit ba maalam ka pa?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi at ipinagpatuloy ang naudlot na trabaho. "Mamaya ka maligo dahil baka mapasma ka. Maupo ka muna roon at magpahinga." Dagdag pa nito. Dahil kanina pa rin naman nangangalo ang paa ko sinunod ko siya. Naupo ako sa upuan sa labas ng bahay at pinanuod lamang siya sa kaniyang ginagawa. Putik-putikan ako at hindi ko gusto ang ganito. I never become dirty as this. Pero mas okay ng marumi sa labas kaysa naman marumi sa loob. Matapos niya akong ipag-ipon ng tubig sa banyo ay tinawag na niya ako para maligo. Hindi na ako nag-aksya ng oras at pumasok na roon. Nang maisarado ko ang pinto ay isa-isa kong hinubad ang maputik kong damit. Yuck! Who would think na ang isang katulad ko ay mag-aararo. Kapag talaga natapos itong agreement humanda talaga sa akin ang lalakeng iyan. Hindi ako dapat ginaganito. Kinuskos ko ng mabuti ang aking katawan dahil nandidiri ako sa putik na kumapit doon. Hindi ko nga hinahayaan na maalikabukan ako noon tapos ginaganito lang ako rito. Patapos na ako maligo nang maalalang wala nga pala akong suot na damit. Bakit kasi hindi ako kumuha muna bago pumasok dito? Dala na rin marahil ng wala ako sa sarili kanina. Mabuti na lang at may tuwalya rito. Dahil wala akong ibang pagpipiliian, ibinalot ko na lang iyon sa katawan ko at naglakad na palabas. Malayo-layo naman ang bahay na ito sa kapitbahay kaya walang makakakita sa akin. May kalokohang pumasok sa isip ko kaya napangiti ako sa kawalan. Hawak ang tuwalyang nakabalot sa akin, dahan-dahan at maingat ang mga naging bawat hakbang ko papasok sa bahay. Sinikap kong hindi makalikha ng kahit na anong ingay habang inaakyat ko ang kahoy na hagdan. Mabilis kong tinungo ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto. Sumilip ako at nakita ko siya roon. Kung sinuswerte ka nga naman oh. Lalake itong si Asher, alam kong kaya ko siyang mapasunod. Sa ganda ko ba namang ito. Imposible na hindi siya matukso sa akin. Oras na para ako naman ang maglaro. Para gamitin ang kamandag na mayroon ako. Itinulak ko ang pinto at pumasok. Nakahiga siya sa kama at nagising nang pumasok ako. "Anong gjnagawa mo rito?" Naguguluhan nitong tanong. "Asher," sabi ko lang sa nang-aakit na boses at naglakad palapit sa kaniya. Tumayo siya at hinarap ako. Magulo ang kaniyang buhok at hubad ang pang itaas na bahagi ng katawan. "Ano ba ang kailangan mo?" Walang emosyon nitong tanong sa akin. "I want you, Asher," mapang-akit kong sagot at kinagat ang pang-ibabang labi. Binitiwan ko ang tuwalya at hinayaang mahulog iyon sa sahig, dahilan upang tumambad sa kaniyang mata ang aking kahubdan. —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD