Chapter 33 Nakagat ko ang dulo ng aking daliri habang nagtatago sa likod ng pader nitong kainan. Mabilis ang t***k ng aking t***k ng puso at natatakot na baka mahuli niya. Maingat akong sumilip sa bintana sa gilid ko at nakita ko si Asher na kausap pa rin ang Mommy ko. Muli akong nagtago sa takot na baka makita. "Oh My!" Naibulalas ko sa sobrang nerbyos nang may humawak sa balikat ko. Mabilis din naman akong nakakalma nang makitang si Asher lamang iyon. "Ikaw lang pala." "Anong nangyari sa 'yo at parang takot na takot ka? Saka nandiyan ka lang pala bakit hindi ka lumalabas, kanina pa ako naghihintay?" tanong nito sa akin na halatang naguguluhan sa mga inaasta ko. "W-Wala. Halika umuwi na tayo," sabi ko na lang dahil natatakot talaga akong manatili rito. Baka maya-maya ay makasalubon

