"I saw what happened outside. Okay ka lang?" Isang matangkad at poging lalaki ang lumapit kay Lettie. Nangingibabaw ang mamahalin nitong pabango na lalong nagpadagdag sa pagiging attractive nito. Ang mga babae tuloy na nadadaanan nito ay napapasunod ng tingin hanggang sa pwesto nila. Tinanguan niya ang lalaki. "Yes." Saka niya ito tinalikuran. Sumunod naman ito sa kaniya hanggang sa bar counter. "Good evening, ma'am!" masiglang bati sa kaniya ng poging bartender. Ganito ito lagi sa tuwing dinadalaw niya ang kaniyang Lodestar bar club. Nagpapasikat ito sa kaniya. Hindi lang dahil boss siya nito kundi dahil ay crush din siya nito. Tinanguan lang niya ang binatang bartender saka humingi ng classic dry martini. Inaalog niya iyon sa kaniyang kamay bago siya sumimsim. "Is that man botheri

