PANAY lakad ni Diego sa harap ng pinto. Para na siyang sasabog. Rinig na rinig kasi nila mula roon ang ungol ni Lettie. Mabuti na lang at pinabalik nila sa baba ang mga tauhan na pinadala ni Angus kaya sila na lang ang natirang saksi sa kahalayan ng dalawa. Hindi nakatiis kanina si Caden kaya humingi na ito ng tulong sa kapatid at hiniram ang mga tauhan ni Angus. Marami ang pinadala. Ang iba ay mga tauhan ng kanilang Lolo at Lolo ni Mark. Napamura si Diego dahil lumala ang hiyaw ni Lettie. "Hindi ba talaga natin pipigilan ang pot4nginang Joaquin na iyon? Hahayaan na lang ba natin si Lettie roon?" Nginisihan lang siya ni Caden. "Dude, makeneg nay leng tayow nitow." Inabot nito sa kaniya ang kapares na earphone na kaagad naman niyang isinuot. Nakasandal sila sa dingding habang pin

