LN-21

1339 Words

"Ano?!" Nagulat si Angus sa biglang sigaw ni Lettie. "Anong sinabi mo? Nagtanan si Lanie at Joaquin?" "Ah... Oo. Umalis sila ng Manila. Hindi alam kung saan sila nagpunta." Dali-daling sumugod si Lettie sa condo ng kapatid. Alam niya kasing naroon ito. Kung nasasaktan siya sa nalaman, paano pa kaya ito? Hindi nga siya nagkamali. Nilulunod na nito ang sarili sa alak. "Kuya!" Nilingon siya nito sa pinto at nginitian nang mapait. "Baby sis. Halika. Samahan mo akong uminom." Napasulyap siya sa mga bote sa ilalim ng center table nito. Wala nang laman ang mga iyon. Namumungay na rin ang mga mata nito at pulang-pula na ang mukha. "Kuya, tama na!" Mabilis niya itong nilapitan saka inagaw ang hawak nitong bote. Talagang tinutungga nito ang bote ng alak! Balak talaga nitong magpakalunod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD