"A-ano hong kailangan niyo?"
"Andiyan ba si Letticia Domingo?"
Napahigpit ang kapit ni Lettie sa doorknob. Inayos niya ang kaniyang salamin. Lumabi pa muna siya bago kiming sumagot.
"A-ako ho 'yon. Bakit po?"
Nagkatinginan ang limang kalalakihan na nakauniporme ng black suits. Sabay-sabay pang napatingin ang mga ito sa hawak na papel. Isang bio-data na ginamit niya noon sa pag-apply sa Neon bar club.
Malamang ay pinaiimbistigahan na siya ni Joaquin. Kaya siguro napadpad ang mga ito rito.
"Hindi siya ito," anang isang lalaki.
"Pero ito ang address," tugon naman ng isa.
Muling napatingin ang mga ito sa kaniya.
"May kilala ka bang Letticia na blonde hair, berde ang mga mata at maputi?"
Nahigit niya ang kaniyang hininga.
"Ah..." Lihim siyang napalunok. "W-wala ho akong kakilala na gano'n. Parang foreigner po ang hinahanap niyo. Baka nagkamali lang ho kayo ng lugar na pinuntahan."
"Eh ano ba ang pangalan mo, miss?"
"Letticia Domingo, po."
"Ikaw ba 'to?"
Itinaas ng lalaki ang hawak nitong papel at ipinakita sa kaniya ang mga nakasaad doon. Nakapaskil din doon ang kaniyang 2 × 2 picture bilang si Maisie.
"O-oho. Ako po 'yan pero 'yung nasa picture po, hindi ko ho iyan kilala. Mukhang ginamit po ang katauhan at pangalan ko para manloko. Ako po talaga iyan, mga information ho iyan tungkol sa akin pero iba ang gumamit."
Muling nagkatinginan ang mga ito.
"Ang layo, pare! Tingnan mo naman ang itsura," rinig niyang bulong ng isa.
"Hindi nga ito ang hinahanap natin."
"Mukhang manloloko nga ang babaeng nakasama ni Señorito kagabi. Isang cone artist!"
"Ang lakas ng loob. Hah! Hindi niya kilala ang ninakawan niya!"
"Kapag nahanap 'yon siguradong mapuputulan iyon ng braso!"
Napalunok siya nang buo.
Nagpaalam kaagad ang mga ito sa kaniya. Nang maisara niya ang pinto ay saka lang siya nakahinga nang maluwag.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib sabay sandal sa likod ng pinto.
"Hooh! Akala ko talaga kakaladkarin na nila ako paharap kay Joaquin! Kinabahan ako dun, ah!"
Pinahid niya ang kaunting pawis na namuo sa kaniyang makinis na noo. Kumapit pa sa kamay niya ang cream na kaniyang pinahid kanina.
***
ILANG araw at gabi na ang nagdaan, hindi pa rin natagpuan ang babaeng hinahanap ni Joaquin. Mukhang magaling itong magtago.
"Señorito, wala talaga."
Naibato ni Joaquin ang hawak na baso ng alak. Napayuko pa ang mga tauhan niya nang magtalsikan ang mga bubog.
"Labas!" hingal niyang utos sa mga ito. Kaagad namang nagsipag-alisan ang kaniyang mga tauhan.
Gigil niyang niluwagan ang kaniyang suot na necktie. Pagkatapos ay idiniin niya ang kaniyang kamao sa mesa.
Hindi niya alam kung bakit parang baliw siya kahahanap sa babaeng iyon. Is it about what that girl stole from him?
No. Barya lang sa kanya ang halaga ng ninakaw nito sa kanya.
What is it then? Siguro dahil sa ginawa nito ay napahiya siya. Kaya galit siya?
Still no. Hindi naman lumaki ang isyu tungkol sa paglabas niya sa Neon bar club na nakahubad. Ito ay nalutas din agad sa loob lamang ng ilang oras.
Binantaan kasi ni Hector ang bawat pahayagan na maglalathala ng anuman tungkol kay Joaquin at sa iskandalo na kinasasangkutan niya. Even on social media they are also strictly watching.
Kung gan'on, bakit pilit pa rin niyang hinahanap ang babae? Wala naman siyang sapat na dahilan.
Obsessed siya?
"Vete a la mi3rda!"
He is not obsessed. O baka hindi lang niya matanggap na may babaeng nakakabaliw sa kanya ng ganoon maliban kay Ariadna.
Hindi siya titigil hangga't hindi niya nahahanap ang babae. Tuluyan na nga siyang nilamon ng kaniyang pride. He wants justice! Hindi niya matanggap na naisahan siya ng isang pipitsuging babae! Walang nakagagawa ng gano'n sa kaniya, si Ariadna lang! Ang kaniyang kinakapatid! Ito lang ang hinahayaan niyang makalamang sa kaniya at wala nang iba!
Sinuntok niya ang mesa dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya kapag hindi niya nailalabas ang kaniyang gigil.
***
LIMANG araw na ang nakalilipas. Naisip ni Lettie na pwede na siguro siyang lumabas. Nawala na siguro siya sa isipan ni Joaquin. Sa dami ng ginagawa nito sa negosyo, sa organisasyon, sa buhay at sa mga babae nito, imposibleng pag-aaksayahan pa rin siya ng oras nito para lang hanapin.
Byernes ng umaga ay napagpasyahan niyang lumabas. Pupunta siya ng Bangko para ipa-incash ang cheque na may limang milyon ang halaga. Magpapadala siya sa probinsya para may pampaopera na ang kaniyang tiyuhin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakahahanap ng malaking halaga ng pera. Ang mga kamag-anak niya na myembro sa NPA ay nagso- solicit na rin, nag-ambagan at kulang na lang ay mamalimos o kaya ay mang-hold up para lang may malikom na malaking pera.
Malaking tulong na ang limang milyon mula sa serbisyo niya kay Joaquin. Sobra-sobra pa nga.
Hindi naibigay sa kaniya ang kalahati ng napag-usapan nila noong gabing iyon dahil madaling araw pa lang ay tumakas na siya. Pero ayos lang sa kaniya, malaki na kasi para sa kaniya ang limang milyon. Hindi nga siya makapaniwala at ganoon kalaki ang in-offer na halaga sa kaniya. Nakapiling na nga niya ang crush niya, nagkapera pa siya nang malaki. She kills two birds with one stone unexpectedly.
Tumingala siya.
Maulan, makulimlim ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin ng araw na iyon. Nagsuot siya ng naaayon sa panahon. Isang grey hoodie jacket, maikling shorts jeans, at naka-flipflop. Nakalugay ang hanggang balikat niyang blonde hair at itinago ang mukha niya sa suot na sombrero. Syempre, hindi siya ngayon naka-disguise. Kailangan niyang protektahan ang katauhan ni Letticia sakaling may nakamanman sa kaniya. Malay niya, baka may nakabuntot pala sa kaniyang tauhan ni Joaquin. At least hindi siya mabubuko na ang kaibigan ng kapatid nito at ang kaniig nito noong gabing iyon ay iisa! Hindi niya pwedeng idamay ang pagiging Letticia Domingo niya sa kabaliwan niya. Binalot na lamang niya ang kaniyang ulo ng kaniyang hood at itinago ang mukha ng suot na sumbrelo. Nagsuot din siya ng face mask para hindi siya mahalata ng kaniyang mga kapitbahay.
Nagpalinga-linga pa siya sa paligid nang makarating sa bangko. Baka bigla na lang kasi sumulpot ang mga tauhan ni Joaquin.
Kahit na ano'ng mangyari, hindi siya magpapahuli. Gagawin niya ang lahat para makapagtago mula sa mga ito.
"Stop payment order?!" bulalas ni Lettie nang isauli sa kaniya ang cheque ng taga-banko.
"I'm sorry, ma'am. But the person who issued your check has requested that it be canceled for unsettled issues."
Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa gigil. Talaga naman!
Mabigat ang hakbang niyang nagtungo sa exit door ng Bangko. Nang malapit na siya ay bigla na lamang siyang nilapitan ng isang matandang janitress at inabutan ng limang daang peso.
"Para saan ho 'to?"
"Ikaw ba 'yong nagngangalang Letticia?"
"Ah... Oo?" Hindi siya sigurado kung sasagutin niya ba nang maayos ang tanong nito. Sino ba kasi ito?
"Ilang araw na kitang inaabangan dito, miss. Ang sabi ng lalaki, bigyan daw kita ng limang daan kapag nakita na kita. Kinansela ang cheke, hindi ba? Kaya hayan... limang daan. Bayad daw iyan sa iyo. Salamat daw sa isang masarap na gabi."
Kumulo lalo ang dugo niya. Muli niyang naikuyom ang palad. Nilamukos niya ang papel na pera dahil sa gigil. Ang lamig ng panahon pero heto't ang init-init ng katawan niya! Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit.
'Hayop ka, Joaquin! 'Yong limang milyon ko ginawa mong limang daan! Humanda ka sa akin!' Sa isip niya ay kinakalmot na niya ang mabalbas nitong mukha.
Namumula ang dulo ng matangos niyang ilong paglabas niya ng building. Padarag niyang binuksan ang kaniyang payong habang pababa sa tatlong baitang ng hagdan sa labas nang bigla na lamang may umeskort sa kaniyang dalawang lalaki na naka-black suit. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at huli na para tumakbo dahil hawak na siya ng mga ito at pakaladkad na dinala sa nakaparadang itim na sasakyan sa harap mismo ng building.
Pinagtulakan siya ng mga ito papasok sa nakabukas na pinto ng rear seats ng sasakyan.
Total black out tinted ang mga salamin ng sasakyan, madilim sa loob at hindi nakabukas ang ilaw kaya hindi niya kita kung may tao ba roon.
Pasalampak siyang naupo at mabilis na ibinaluktot ang kanyang tuhod bago pa man ito maipit sa biglang pagsara ng pinto.
"Agrh! Mga tarantado!" Hinampas niya ang bintana. Pinagsisisihan na niya kung bakit pa siya lumabas. Buti na lang talaga, hindi siya naka-disguise kung hindi, mabubuko talaga ang buong pagkatao niya!
Napaigtad siya nang maramdaman ang malaking braso na biglang umakbay sa kaniya. May katabi pala siya!
Kinabig siya nito palapit sa mainit nitong katawan. Kasabay nito ang biglang pagbukas ng ilaw sa loob.
Halos hindi siya makahinga nang lumantad sa kaniya ang gwapo ngunit nakakatakot na mukha ng lalaki.
"I-ikaw!"
Gumuhit ang kakaibang ngiti sa mapupula nitong mga labi. Ang magagandang uri ng mga mata nito ay may kung ano'ng namuong kalokohan habang nakatitig sa kaniyang mukha.
"Nahuli rin kita! Missed me, angel? Raawrr!"
Napatili siya nang bigla nitong kagatin ang kaniyang tainga. Katapusan na niya!