Letticia's POV Anak ng tipaklong! Wala akong pakialam kung mamimigay siya ng napkin! Marami akong reserba! Pinatayan ko na siya ng phone bago pa man ako maubusan ng pasensya sa kaniya. Sarap niyang batuhin ng plantsang kakatapos lang gamitin! Magdamag kong pinag-iisipan kung pupunta ba ako o hindi. Alam kong tuso si Joaquin. He can't be trusted! Pero kung hindi ako pupunta, baka paglalamayan na bukas si Diego! Napatingin ako sa hawak-hawak kong phone nang tumunog ito. [Balut: naghihintay ako] Nakagat ko ang ibabang labi habang ang daliri ko ay hindi mapakali kung magtitipa ba o hindi. Re-reply-an ko ba siya? Ano ang isasagot ko? Bumuntong-hininga ako at nagtipa rin sa huli. [Me: Pag-iisipan ko] Mabilis siyang nag-reply. [Balut: Naiinip na agad ako] Kaasar naman! Magtit

