[3rd POV] *** Nagkalat na ang mga tauhan ni Joaquin sa iba't ibang sulok ng Negros sa paghahanap sa anak ni Lanie. Umuwi rin siya ng Manila sa pagbabakasaling makahanap siya ng lead. Kinabahan siya na baka isa sa mga kalaban nila ang nagpadukot sa bata. "Mi3rda! Kapag may nangyaring masama kay Lander, dudurugin ko talaga ang pagmumukha ng dumukot sa kaniya!" Napamahal na sa kaniya ang bata at si Lanie at hindi niya matanggap na may mangyayaring masama sa mga ito dahil sa kaniya. Hindi niya matanggap! Narito siya ngayon sa isa sa vip suites ng Lodestar bar. Nilulunod niya ang sarili sa alak mag-isa. Dito siya magpapalipas ng gabi habang nag-aabang ng tawag sa phone. Hindi niya ito inihiwalay sa tabi niya. May kutob din kasi siyang kidnap for ransom ang motibo ng pagdukot. Sakali mang

