Lettie's POV "Hi!" Ibinaba ko ang binabasa kong novel at tumingin kay Joaquin. Ngiting-ngiti ang loko na pumasok sa kwarto ko. Katatapos niya lang yata mag-shower sa kwarto ni Azec. Basa pa ang buhok niya at humahalimuyak ang bango ng sabong pambata at shampoo na ginamit niya. Suot niya ang kaniyang satin pajamas at oversized white tshirts. Wala siyang baong damit kanina pero tinawagan niya si Hector at nagpahatid ng damit dito. Dinalhan naman siya nito ng isang maleta na puro damit at gamit niya ang laman. May mga kasama pang toothbrush, pang-shave, mouthwash at pangbahay na tisinelas. Balak yatang dito na tumira. Nakangising-aso na lumapit sa akin si Joaquin. May pakindat-kindat pang nalalaman. Hmp! Akala niya siguro makakaiskor siya. Dahan-dahan siyang sumampa at tumabi ng upo

