LN-5 Good bye

1672 Words
"Oh! Saan na si kuya Joaquin?" pagtataka ni Dimples nang mabungaran nito ang sala na wala nang tao. "Lettie, nagpaalam ba sa 'yo si Joaquin na aalis?" baling ni Lanie sa kaniya. Sunud-sunod na umiling si Lettie. Syempre hindi niya sasabihin na sinampal niya si Joaquin kaya malamang nagalit ito at umalis. "Baka naburyo," patay-malisya na sagot niya. "Tara, kain tayo. Gutom na 'ko, eh." Nauna na siyang umupo sa sofa. Nang mailapag ni Lanie ang tray sa center table ay kaagad siyang kumuha ng sandwich at nilantakan ito. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo niya kaya kailangan niyang ilabas ang iritasyon sa pamamagitan ng pagkain. Nang makita niya kanina si Joaquin ay bigla na lamang nabuhay ang galit niya rito. Apat na taon na ang nakalilipas, dinala siya nito noon sa mansion nito sa Quezon at ginawang s*x slave. Sa huling sagupaan nila ay napagod ito nang husto kaya mabilis itong nakatulog. Hindi ba naman siya nito tinantanan. Pagkatapos ng isang round ay magpapahinga lang saglit at lalarga na naman. Para itong ginutom ng isang taon. Sobrang siba sa s*x! Tiniis niya ang antok ng gabing iyon at hinintay na makatulog si Joaquin. Nang masiguromg mahimbing na ito ay saka naman niya kinuha ang phone nito sa ibabaw ng drawer at tinawagan ang numerong memoryado niya. Ang numero ng pamangkin ng kaniyang inang. Ang pinsan niyang myembro rin ng NPA sa kanilang probinsya. Ang pinsan niyang kasangga niya mula pagkabata. "Caloy, si Lettie 'to." "Letticia? Kaninong number 'to? Bago mo 'to?" "Hindi! Burahin mo kaagad ang number na 'to pagtapos ng pag-uusap natin, ok? Kumusta nga pala diyan? Si inang, nakabalik na ba ng Cavite?" "Mukhang hindi pa siya babalik. May nangyari kasi." "Ano'ng nangyari?" Bumuntong-hininga ito. "Kahapon, binawian na ng buhay si Itay." Ang tinutukoy nito ay ang tiyuhin niyang isang magsasaka na nahulog mula sa puno ng niyog. Ito 'yong pinaglalaanan niya ng perang makukuha niya dapat kay Joaquin. Pero ang tarantado, na-scam lang siya nito! "B-bakit? A-anong nangyari?" nanghihina niyang tanong. "Hindi siya naoperahan, Lettie. Dahil sa laki ng bill namin ay napilitan kaming iuwi na lamang sa bahay si Itay. Hanggang sa lumala ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang tiyan. Araw-araw siyang umiiyak sa sakit. Gabi-gabi ay hindi kami makatulog dahil sa mga daing niya. Kahapon, hindi na niya kinaya. Bumigay na talaga siya. Ewan ko kung ano'ng mararamdaman ko. Malulungkot ba ako, Lettie dahil wala na si Itay? O matutuwa dahil nakakapagpahinga na siya? Na natapos na rin ang paghihirap niya?" Gumaralgal ang boses nito. Para namang piniga ang puso niya nang paulit-ulit. Nagtamo ang kaniyang tiyuhin ng major internal injury dahil sa pagkakabagsak nito mula sa matayog na puno ng niyog. Tinamaan ang atay nito ng nabali nitong ribs. O-operahan ito dapat pero dahil salat sa pera ay napilitan na lamang ang pamilya ng kaniyang tiyuhin na iuwi ang kawawang lalaki. Naikuyom niya ang kaniyang palad. Hindi dapat ito namatay. Naagapan pa sana niya kung hindi lang siya dinaya ni Joaquin. Nasagip pa sana niya ang buhay ng kaniyang tiyuhin. Kahit hindi niya ito tunay na kadugo pero para na rin niya itong tunay na ama. Napakabuti nito sa kaniya. Bumagsak ang kaniyang luha. "Caloy..." aniya nang marinig ang hagulhol ng pinsan. "Huwag mong ihihiwalay ang cellphone mo. Ano mang oras ay tatawag ako sa 'yo. Basta huwag na huwag kang tatawag dito, ok? Hintayin mong ako ang tatawag. Maliwanag?" "O-oo. Nasaan ka ba ngayon? Hindi ka ba uuwi rito?" Hindi na niya ito nasagot nang biglang gumalaw si Joaquin sa higaan. Dali-dali niyang pinatay ang tawag at binura ang numero sa call logs pagkatapos ay ibinalik ang phone sa dati nitong kinalagyan. Halos hindi siya makahinga dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Pinagmasdan niya si Joaquin na parang isang ligaw na dios na nagpapahinga sa ibabaw ng kama. Napakaperpekto ng katawan nito at ang gwapo. Ipinilig niya ang ulo. Hindi naniya dapat ito hangaan. Dinaya siya nito at dahil doon ay nawalan siya ng kapamilya. Kumuyom ang kaniyang palad. Gusto niyang suntukin ang gwapong mukha ng binata pero nagpigil siya. Ito ang sinisisi niya sa pagkawala ng kaniyang tiyuhin. Galit na siya rito! Hindi na niya ito gusto dahil galit na galit na siya rito! Makasarili itong tao, madaya at gahaman! Hindi ito nararapat na hangaan! Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nagsimula siyang maghalughog sa mga gamit nito. Umaasa siyang may mahahanap siyang gamit na pwede niyang gamitin para makaalis. Ngunit paano ba siya makakaalis sa mansion na iyon kung bawat sulok ay may gwardiyang nakabantay? Sa kakahalughog niya ay nakatagpo siya ng mga bag sa ilalim ng kama. Nang buksan niya ang isa ay napanganga siya sa gulat. Mga tiglilibong pera! Lalong sumidhi ang kagustuhan niyang makatakas. Tatangayin niya ang mga pera ni Joaquin! Ngunit kailangan niya munang makahanap ng paraan para makatakas. Natuon ang pansin niya sa loob ng cabinet. Nakita niya ang isang maliit na grapon doon. Kinuha niya iyon at binasa. Doxepin. Isang sleeping pills! Nagliwanag ang mukha niya. Ito na nga ang sagot! Bakit kaya mayroon nito si Joaquin? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili. Nahihirapan ba itong makatulog sa gabi kaya umiinom ito ng antidepressant? Kunti pa lang ang nabawas sa grapon. Tamang-tama, uubusin niya ito! Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at buong ingat na lumabas. Dahan-dahan din ang apak niya sa sahig upang hindi makalikha ng ingay. Nang makababa sa hagdan at makapasok sa kusina ay bigla na lamang siyang bumilis sa pagkilos. Dali-dali niyang kinuha ang gallon sa water dispenser. Ibinuhos niya sa bunganga niyon ang lahat ng laman ng grapon ng sleeping pills. Pagkatapos ay ibinalik niya ang gallon sa dispenser. Hinintay niyang matunaw ang pills. Saka siya kumuha roon ng isang basong tubig. Nataon naman na bumaba ang pusa ni Joaquin. Oo, may pusa ang bakulaw. Nalaman ni Lettie mula sa tsismosa nitong kusinera na hindi mahilig sa hayop si Joaquin ngunit isang araw ay biglang nagpunta sina Apple at Shun sa bahay kasama ang katulong ng mga ito na si Lisa. Dala-dala raw nito ang cute na pusa para ibigay kay Joaquin. Wala namang nagawa ang lalaki kundi ang ampunin ang pusa. Napaismid siya nang tingnan niya ang puting pusa na naglalambing sa kaniya. Panay ang kiskis ng katawan nito sa kaniyang paa. "Hmm. Nauuhaw ka ba? Gusto mong uminom ng tubig?" Inilapit niya sa bibig ng pusa ang baso. Kaagad naman itong lumaklak. "Good night, pusa!" aniya at ngumiti ng sa demonyo. "Kung ako sa 'yo, bumalik ka na sa amo mong si Lisa! Mamamatay ka lang dito sa balut na iyon. Hindi 'yon marunong mag-alaga. Makasarili iyon!" Nilapag niya ang baso sa mesa. "Ano'ng ginagawa mo?" Muntik na niyang mabitiwan ang baso. Buti na lang at nasa mesa na ito. Muntik na rin siyang hiwalayan ng kaniyang kaluluwa matapos makita si Joaquin sa pintuan ng kusina. "Ahh, u-umiinom ng tubig." Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang baso sa mesa na hawak-hawak pa rin niya. Dinala nito iyon sa bibig at diretsong inubos. Napalunok siya habang pinapanood ito. "Tara na sa kwarto," anito pagkatapos ay inakbayan siya. Hinalikan pa siya nito sa ulo bago sila naglakad. "I missed you agad, angel," nakangisi nitong dagdag. Nang lingunin niya ang pusa ay napangiti siya. Sumunod ito sa kanila pero nagpaluray-luray na ang lakad na animo'y lasing. Pagdating nila sa ikatlong palapag ay hindi na nakasunod ang pusa dahil tuluyan na itong bumagsak. Pagpasok nila sa kwarto ay kaagad siyang tinulak ni Joaquin sa higaan. "Hindi pa ako tapos sa 'yo, baby," anas ni Joaquin na ngayon ay nasa ibabaw na niya. 'Lintik! Kailan ba eepekto ang gamot sa utak ng manyak na ito?!' naisasip niya. Nagsimula na itong humalik sa leeg niya pababa sa dibdib. Napasinghap siya nang sinimulan nitong laruin ang kaniyang u***g habang ang daliri nito ay mabilis namang ipinasok sa kaniyang p********e. Sinabunutan niya ito at ibinaon ang mukha nito sa kaniyang malambot na hinaharap. Lalo pa siyang nakiliti nang dumahandahan ang galaw ng daliri at dila nito. "Agh! s**t! What's happening to me?! Mi3rda!" biglang sambit nito pero itinuloy pa rin ang pagpapaligaya sa kaniya. Mayamaya lang ay hindi na ito gumagalaw. "J-Joaquin?" Ang daliri nito ay nanatili sa loob niya habang ang u***g naman niya ay nakasubo pa rin sa mainit nitong bibig. Napamura s'ya. Kung kailan nasarapan na siya ay saka naman ito tumigil. Sinilip niya ang mukha nito. Nakalawit ang dila nito sa kaniyang dibdib habang nakapikit. Para itong aso na nalason. Kulang na lang bumula ang bibig. Tulog na nga ito! Tinulak niya ito paalis sa ibabaw niya saka isinuot ang damit niyang mabilis nitong nahubad kanina. Kinuha niya ang phone at tinawagan ulit ang numero ni Caloy. "Hello?" "Caloy, tawagan mo ang tropa mo sa Cavite. Sabihin mong bukas ay magpapasundo ako sa address na ipapasa ko sa iyo. Hintayin mo lang ang tawag ko." "Sige." "Huwag kang mag text dito, maliwanag?" "Oo. Pakibilisan 'ka mo. Maghihintay ako." "Sige-sige!" Pagkababa ay binura niya ulit ang numero. Naghanap siya ng pangtali sa drawer ni Joaquin at ang natagpuan niya ay higit pa sa sagot ng hinihiling niya. A handcuffs! Napangisi siya sa naiisip. *** Kinabukasan ay pasilip-silip siya sa labas. Alas syete na, malamang ay gising na ang mga tauhan ni Joaquin pati na ang mga katulong sa bahay. Pagkababa niya ay nadatnan niya ang mga katulong at dalawang tauhan na kaniya-kaniya ng pwesto sa pagtulog. Halos Wala nang laman ang jug sa water dispenser. Malamang pagkagising ng mga ito ay kaagad na nagsipaginim ng tubig ang mga ito. Sa labas ay wala ring nagpalakad-lakad dahil lahat ay mahimbing na nakatulog. May nakahiga sa bench at duyan, meron ding nakasalampak sa semento habang yakap-yakap ang armalite. Gumuhit ang ngiting tagumpay sa mapupula niyang mga labi . Masaya siyang pumanhik sa taas para kumuha ng ilang bag ng pera. Tiningnan niya muna ang tulog na si Joaquin. "Good-bye, Joaquin dahil hinding-hindi mo na makikita ang itsura na ito. Sa susunod na mag-krus ulit ang landas natin, magiging karma mo na ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD