"Dumating ka rin sa wakas Mr. Taylor, ikinagagalak ko na makita ka." Masayang pagbunggad ni attorney Gliz Ocampo na kanina ay prenteng nakaupo sa swivel chair nito at nang makita niya ako ay agad na tumayo ito at iginiya ako papalapit sa couch kung saan ay may mesa sa harap no'n na kung saan inilapag ng abogado ang isang folder. "Masaya rin ako na makilala ka Ms. Ocampo." Nakangiting usal ko na siyang ikinatango nito. At sinenyasan akong umupo sa tabi nito. Sa nakikita ko ay nasa mid-forty na ang edad nito ngunit halata sa mukha nito na ito ay mabait at mapagkakatiwalaan. "Salamat kung ganoon pero siguro naman e' alam mo kung bakit kita pinatawag rito. Napag-alaman ko kasi na kilala mo si Briel na apo ng aking kliyente. Sa totoo niyan hindi sana ako magtitiwala ng impormasyon sa kahit s

