Parang gumagalaw ang buong paligid dahil sa aking kalasingan at mas nakakadagdag sa aking pagkahilo ang magulong sayaw ng mga ilaw pati na rin ang maingay na musika na sadyang tila nagpapabingi sa akin tenga. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang sarili ko na namnamin ang aking kalasingan. Sa tagal ng panahon ay ngayon lamang ako muling nakaramdam ng ganito, 'yung bang tila malayang-malaya ako na gawin ang mga nais kong gawin. Hindi ko alam kung bakit nagpakalasing ako ngunit pakiramdam ko kasi ay kailangan ko. Isa pa hindi kasi matanggal sa isip ko ang aking pagiging duwag. Sa ilang linggong lumipas ay hindi pa rin ako makakuha ng tapang para harapin ang abogadong kailangan kong kausapin. Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa apartment na nirerentahan ko tiyaka ay

