54 Briel's POV

2034 Words

Pagkatapos magsalita ni Rohws ay agad din itong umalis at iniwan akong parang nauupos na kandila na hindi alam kung ano ang iisipin at mararamdaman. Umupo ako ulit sa gilid ng kama at napasuklay ako ng buhok gamit ang sarili kong mga daliri. Gusto kong magwala sapagkat naiinis ako sa mga ginagawa nito sa akin. Pero wala akong magawa.  Ngayon ay kagat ko ang dulo ng hinlalaki ko at pinipilit kong isipin kung ano nga bang pwede kong gawin. Ngunit iisang aksyon lamang ang sa tingin kong tamang gawin at iyon ang umalis na lamang sa lugar na ito. Muntik na akong mapatalon ng makarinig ako ng ingay mula sa pinto at agad ring bumaling ang mukha ko roon nang mapansin kong bigla na lamang dahan-dahan ay nagbukas iyon. Pigil ang hininga ko dahil iniisip ko na baka bumalik na naman ang gagong l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD