Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at hinanap ko ang pwedeng paglagyan ng aking mga damit na siyang ginamit ko kahapon. Sakto naman at agad kong nakita ang mga iyon na nakapatong sa isang maliit na lamesa kung saan ay nakatupi ang mga iyon ng maayos. Kaya paika-ikang nilapitan ko iyon at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad kong sinuot ang polo ko pati na rin ang iba kong pang saplot. Inayos ko rin ang buhok ko at napabuntong hininga ako sapagkat alam kong nakakahiyang lumabas ngayon habang nagmumukha akong sabog. "Where do you think you're going?" Napapitlag ako dahil sa aking narinig na malamig na boses at muntik pa akong mapatalon sa gulat. Ngunit dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ko sa aking katawan ay napigilan ko iyon. "Face me, I'm asking you a question

