Napahiga ako sa aking kama at pinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagod na nararamdaman ko. Pero hindi iyon physical kundi mental at emotional. Para bang nawawalan ako ng lakas at nawawalan ako ng rason para lumaban pa. Madaming tumatakbo sa isip ko na hindi ko mawari at para bang nablangko ang lahat sa isipan ko. Kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay ang hayaan ang aking sarili na namnamin ang dilim ng kwartong kinalalagyan ko. Hindi ko kasi binuksan ang ilaw sapagkat kahit ang bagay na iyon ay nakakatamad na ring gawin. Dagdag pa ang pakiramdam na namamanhid ang buo kong sistema. I want to scream but I have no strength to do that. I want to hurt myself pero kahit ang itaas ang mga kamay ko ay tila napakahirap na rin gawin. And I want to f*cking cry pero wala man lang kahit i

