Pagdating pa lang niya sa mansion ay hindi na mapakali si Miss Amelia. Tila may gusto itong sabihin ngunit palagi namang nauunahan ng pagdadalawang isip. Wala si Phil dahil sa mga oras na ito ay naroroon pa ito sa clinic. He was a doctor at may sarili itong klinika sa bayan ng San Alfonso. Nang mapuna niyang hindi mapakali si miss Amelia ay inunahan niya na ito sa pakay nito.
"Miss Amelia." Mahinang aniyang siyang bumasag sa katahimikan.
Bahagya pa itong nagulat ngunit agad ding nakabawi at nagpakawala ng tensyonadong ngiti. Sinuklian niya ito ng sinserong ngiti bagama't hindi maalis ang lungkot sa kanyang mga matang kanina pa nakapaskil dito.
"H-hija?" Ani miss Amelia.
"I accidentally heard your conversation with Phil this morning." Mahinahon niyang sabi kahit na ang pakiramdam niya ay nagkakagulo na ang isip niya.
Nagpakawala siya ng pilit na ngiti ng manlaki ang mga mata ni Amelia. Marahil ay hindi iyon ang inaasahan nitong marinig mula sa kanya.
"Oh..." Tanging nasabi nito kahit na hindi pa rin maalis sa mga mata ang pagkabigla. "I-it was just a suggestion hija. I'm sorry if-"
"No miss Amelia. There's nothing to be sorry of. I understand. Bilang ina ay ayaw niyo lamang nakikitang naghihirap ang anak ninyo. Kung ako at si mama rin lang ang nasa kalagayan niyo ay siguradong gagawin niya ang lahat, mapabuti lang ako." Nabasag ang boses niya sa huling sinabi.
Naalala niya pa naman ang mga masasayang araw na kasama niya ang ina si noong nabububay pa ito.
"Oh Kirsten..." Nakita niya ang pag-aalala at concern sa mga mata ni Amelia.
"And I'm going to take your offer miss Amelia." Naroon ang preciseness sa boses niya that made the old woman gasp in disbelief.
"I'm not expecting this Kirsten." Ang tanging nasabi ng ginang makalipas ng ilang sandali. "But this is not an easy one darling. This will be hard for you. Kakayanin mo ba hija?"
Naroon pa rin ang pag-aalala sa mga mata ni miss Amelia. Kung wala lang siguro sila sa ganoong sitwasyon ay siguradong maappreciate niya ang concern nito. But they were in different situation and what she felt was just a self-pity.
"Ofcourse miss Amelia."
"I'm really sorry hija if we are putting you in a hard situation like this. But of course I won't deny, I'm very thankful to you. Habang buhay naming tatanawing utang na loob ito sa iyo." Totoong sabi ni Amelia na mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.
"No, I'm the one who should be thankful. May kumupkop sa aking totoong napakabuting tao. Hindi ako kaano-ano'y pinatira niyo ako ng libre sa bahay niyo, you provided me my needs and wants, pinag-aral. Kaya marahil ngayon ay panahon na para ako naman ang tumulong sa inyo."
Tears suddenly fell from her eyes.
Agad siyang niyakap ni Amelia, trying to comfort her. But she didn't feel comforted though. Sa kabila ng kalmado niyang tinig ay naroroon sa dibdib ang sakit at lungkot. Itinago niya ang sakit sa kalooban-looban dahil ayaw niyang kaawaan siya ni Amelia at pati na ang lungkot dahil gusto niyang paniwalain ito na magiging madali sa kanya ang pagpayag sa plano nito.
Nang makauwi si Phil ay agad na ibinalita ng matanda ang pagsang-ayon niyang magpanggap na babae ng fiance ni Bianca . At first, Phil tried to hesitate. Sinabi pa ng lalaking hindi nito makakayang ipahamak siya at ilagay sa alanganing sitwasyon. Lalo lamang siyang nakaramdam ng awa sa sarili. But she was so determined na sa huli ay napapayag niya rin ito sa plano ng ina nito.
"Sigurado ka ba Kirsten?" Alanganin pa rin ang tinig ni Phil.
Napapikit siya ng mga mata. She really loved this man. More than friends, yes. Simula noong mga bata pa lamang sila ay mayroon nang damdaming nabuo sa puso niyang hanggang ngayon ay naroon pa rin. Until Bianca came who swept away all her hopes for him to love her back. But despite of it, hindi niya natutunang kasuklaman ang babae. Why, Bianca was so kind and adorable. She was the fantasy of every man's dream. Nainggit, oo aaminin niya, she envied her. Not because she was rich and an almost perfect figure, but because Bianca got the heart of the man she loved.
"Hey Kirsten, are you okay?" Tinig ni Phil ang nagpanumbalik sa kanya sa ritmo ng realidad. Binalingan nito ang ina. "I told you Ma we shoud not force her if-"
"No, Phil." Putol niya sa gustong sabihin ni Phil kay Amelia. "I only paused for me to find out if I'm so sure enough to do this. And I found out, I am. So I'm going to do this Phil, no matter what." Determination filled her voice.
"Oh Kirsten, I don't know how to thank you for-"
"Don't mind me Phil. Ako ang higit na dapat magpasalamat sa kabutihan niyong mag-ina. You two were the reason why I learned to be brave enough after that tragic event. May utang na loob din ako sa inyo Ice. I think this is now the perfect time to pay for all of those good things that happened into my life."
She tried to be calm and confident and hide the misery that she felt but with her misty eyes right that moment, she didn't think she'd be able to make it.
Naramdaman niya ang mainit na yakap ni Phil. The embrace she have longed to feel for so many years. Maybe in other situation unlike that, she would be very delighted to be in that moment being in the arms of the man she loved. Pero ang nadarama niya ngayon sa likod ng yakap na iyon ay awa. Pinilit niyang kumawala sa yakap nito dahil may palagay siyang kapag nagtagal pa siya roon ay baka bumigay na ang damdamin niya at bumuhos ang saganang luhang kanina pa niya pinipigilan.
"I will be all right."
MAAGA pa lamang kinabukasan ay nasa garden na sila upang pag-usapan ang isasagawang plano. Kung wala lang si Kirsten sa seryosong sitwasyon ay malamang na matatawa siya dahil para silang mga masasamang taong nagbabalak sumugod sa kuta ng mga kaaway. Pagkaupo niya pa lang sa pantatluhang upuang glass round table na sadyang ipinagawa sa mabatong bahagi ng garden ay iniabot na sa kanya ni Phil ang isang brown envelope. Nakamasid lang ang mag-ina nang kunot-noo niyang buksan ito.
Gayun na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang laman ng envelope. It was a picture of Bianca's fiance. And she could not help herself but to just admire that man who was smiling sensually on that photograph.
Her eyes involuntarily surveyed his lips. A mischievous curve from that misty, bloody-colored lips made her swallow. His nose were perfectly sculptured. His jaw lines were very firm which she thought signify authority and power. And oh his eyes! They were colored brown it stared at her like a laser beam. His face was perfect! Paano niya mapapaniwala ang mga taong nagkaroon sila ng affair ng lalaking ito?
Kung ganito ang hitsura nito, malamang na maraming mga babaeng pang Miss Universe na ang nakadate at girlfriends nito. Kaya naman bigla siyang kinabahan. Mukhang hindi maniniwala ang mga tao at baka mas mapalala pa ang sitwasyon nina Bianca at Phil. Worried face shown from her. Nahuli iyon ng lalaki.
"Ano? Tutuloy ka pa rin ba?" Ngiting nag-aalala at nakauunawang tingin ang ibinigay ni Phil sa kanya.
"Of course yes. I told you, no matter what happens tuloy ang plano." Determinadong sagot niya kahit pa palagay niya ay hihimatayin na siya sa sobrang kaba.
"Okay then. Well as you can see, that is Hunter Fontanilla." Baling ni Phil sa picture. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito.
Tinignan niya ulit ang picture. Saka niya lang napansing may nunal ito sa kaliwang bahagi ng ilong sa ibaba ng mata and she never thought a mole could make a man more attractive!
"Bring out the papers. Those contain the information about that bastard." Hindi pa rin mawala ang galit nito kay Hunter.
Nang mailabas niya ang mga papel ay bahagyang napaangat ang kanyang mga kilay. The man was so damn rich! Nagmamay-ari ito ng kilalang mall na ngayon ay may daan-daang branches na sa Pilipinas and other countries around Asia. At malay ba niyang ang Asia's Scent—isang brand ng pabango— na nakikita niya sa mga billboard at commercial sa TV ay pag-aari rin pala nito.
"Yes, he's a billonnaire Kirsten. No wonder he can manipulate everything and everyone around him." Bitterness filled his voice. Siya ang nasasaktan sa tuwing may humahalong pait sa boses nito.
"So, ano nang plano?" Maya-maya ay pag-iiba niya ng topic.
"For now, wala pang concrete plan. Ngayon pa lang natin pag-uusapan." Si Phil.
"Hija, may naisip ako. Kagabi ko pa ito naisip and I don't know if this is effective. Engagement Party nila sa Sabado. Don't you think that's the right time na isagawa ang plano?" Si miss Amelia.
"No, 'ma. Mahihirapang makatakas si Kirsten sa gitna ng nagkakagulong mga tao kung sakali. Baka maipit pa siya sa mga media. At isa pa, baka imposible na siyang makalabas dahil guwardiyado at siguradong isasara agad ang mga gate."
"Kung ganoon, kailangan natin ng tiyempo kung saan naroon ang family ng dalawa at the same time, madaling makakatakas si Kirsten."
Actually, kanina pa siya nakaisip ng paraan pero nag-aalangan siya kung sasang-ayunan ng dalawa ito. For one moment ay naglakas-loob siya.
"I have an idea."
Napatingin sina Amelia at Phil sa kanya at pagkuwan ay nagkatinginan pa ang dalawa. Si Phil ang unang nagbawi ng tingin papunta sa kanya.
"What is it?"
"Kailan ang araw ng kasal ng dalawa?"
"Don't tell me, sa araw ng kasal isasagawa ang plano?" Kunot-noong ani Phil.
"Exactly."
"Oh, I knew it!" Napasinghap naman na ani Amelia.
"Tututol ako sa kasal ng dalawa. And to put a little bit of drama, magpapanggap akong buntis."
Napangiwi siya sa sarili niyang mungkahi. But somehow, kahit na mahirap ang gagawin niya ay tiyak namang epektibo iyon. Kumbaga sa teleserye ay plus iyon sa intensity ng eksena.
"Brilliant! Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?" Natatawang ani miss Amelia. Siya naman ay bahagya lamang napangiti. Si Phil naman ay seryoso pa rin at base sa mukha ay napapaisip ng malalim.
"No." Si Phil. Napatingin silang bigla ni Amelia kay Ice. "Mas lalo kang mapapahamak."
May bahagi ng puso niya ang parang kinurot. Sa kabila ng problema ni Phil ay naroroon pa rin ang concern nito sa kanya. Somehow, it sent overwhelming warmth in her heart. Pero sa kabila nito ay alam niya namang si Bianca pa rin ang laman ng puso nito, no matter what.
"Phil please listen. Kahit saang sitwasyon tayo pumasok, mayroon at mayroong tsansang mapahamak ako. But let us consider the situation na mas magiging effective ang plano natin. And think of this. Kung sakali man, sa pinakalikod ako uupo para mas madaling makalabas kung sakaling magkagulo. Paniguradong maibabaling sa groom and bride ang atensyon ng lahat and by that, sasamantalahin ko na ang pagkakataong makatakas." Mahaba nyang paliwanag.
Si Miss Amelia ay amused sa mga pinagsasabi niya samantalang si Phil ay bahagya lamang lumambot ang ekspresyon.
"Are you sure?" Alanganing tanong ni Phil.
"Yes."
Determination filled Kirsten's voice. Matapos ng pag-uusap na iyon ay nagpaalam si Phil sa kanila ni Amelia dahil may naiwan itong trabaho sa clinic. Ayaw man niyang maramdaman ay naaawa siya sa lalaki. Nilalango nito ang sarili sa alak at trabaho. Gusto niyang yakapin ito at sabihing wag itong mag-alala dahil hindi siya aalis sa tabi nito. Ngunit hindi maaari. Si Bianca ang mahal ng lalaki at kahit pagbali-baliktarin ang mundo ay ang babae pa rin ang ipagsisigawan ng puso ni Phil.
"Kirsten." Agaw-pansin ni Amelia nang mapansin ang pagkatulala niya. "Are you alright?"
"Napapaisip lang po." Aniya sa pilit na ngiti.
"Sorry talaga hija. Alam kong kahit saang anggulo man tignan ay hindi makatao ang ginagawa naming ito sa iyo-"
"Miss Amelia, this is my own decision okay? Maari akong tumutol kung gugustuhin ko. But it's my own choice to help Phil."
"You really love my son don't you?" Kakaibang kislap ang naglandas sa mata ng ginang.
"P-po?" Nautal at hindi makatingin ng diretsong naani Kirsten.
"It's a mother's instinct hija. But I promise to keep this a secret between us. The thougt saddens me though. I know you're hurting inside, there's something more painful. I am sorry hija." Amelia reached for Kirsten and hugged her tight. Noon kumawala ang mga luhang pinigilan ng dalaga.
"Don't worry Kirsten, someday, mahahanap mo rin ang pag-ibig na para sa iyo." Ani Amelia habang hinahagod ang likod ng dalaga.
Noon muling bumalik sa isip niya ang mukha ng lalaking nasa larawan, ang imahe ng lalaking dapat pakasalan ni Bianca. She didn't know why. Iwinaksi niya ito sa isipin. Siguro ay senyales lang ito sa mga problemang kakaharapin niya. Isang bangungot, ngunit hindi ng kahapon kundi ng hinaharap.