Aze's POV
Ayoko lang naman na magbuhay prinsesa sa bahay ng mga amo ko. Ano naman kayang problema ng isang yung may pa walkout pang nalalaman.
"Hoy! Anong problema ng kaibigan mo?"
Pagtatanong ko kay Kent at ang mag jowa parang ang lalim ng iniisip.
"A--ano kase ate Aze... si Lola Sandra! Tama si Lola Sandra ayaw nyang umalis ka... Subrang nag alala ngayon sayo eh. Nahighblood kanina... pero nakauwi na sya"
Napalitan naman ako ng pag-aalala close kase talaga kami kay Lola Sandra.
"Teka... ok na ba si Lola? Saka ako? Pwede na daw ba akong lumabas dito?"
Gusto ko nang makamusta si Lola Sandra. Saka naisip ko din na wag nangtumawag sa bahay namin. Baka nga mag-alala pa si Nanay at mahighblood din. Medyo OA din kase ang tatay ko.
"Aahh... Oo! Sabi ko kase kanina kay Sir Jax na ayaw mo sa hospital kaya kinausap nya agad yung doctor. Pwede ka na daw namin isama pauwi basta everyday lilinisin ang sugat mo"
Napatango nalang ako sa mga sinabi ni Kiana. Bakit ba an energetic ng isang ito ngayon.
"Kung ganun naman pala... pwede bang umalis na agad tayo ngayon?"
Agad naman silang tumayo sa pakiusap ko.
"Aayusin ko na mga gamit. Maydala kami dyan na damit mo"
Nakakapanibago talaga ang energetic ni Kiana.
"I'll call Jax"
Nakangiti ring sabi ni Kent may kakaiba talaga sa dalwang ito. Saka nag walkout na yung tao baka nga nilayasan na kami ng masungit na yun eh.
"Siguradong nasa labas lang yun. Hindi ka naman nun iiwan"
Dagdag ni Kent sa sinabi nya sabay kindat sakin bago lumabas ang weird ng mga tao ngayon.
Gaya nga ng sinabi ni Kiana tinulingan nya akong magbihis. Si Kiana rin ang umalalay sakin hagang sa sasakyan. Nakakailang lang dahil magkatabi kami ni Jax habang si Kent ang driver at katabi si Kiana.
Hanggang makarating kami sa mansyon nila walang umiimik samin. Pero ang dalwang naglalandian sa unahan kakaiba talaga yung ngiti na parang may something.
PagkaPark palang ni Kent ang dalawa iniwan agad ako. Ano? Wala silang balak na alalayan ako.
Nakarinig nalang ako ng tikhim sa labas ng pinto kung saan ako nakaupo. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko ng ang seryosong mukha ni Jax ang bumungad sakin. Wala akong nagawa ng alalayan nya ako. Pero yung alalay nya hindi katulad ng kay Kiana dahil si Jax sa bewang ko nakahawak. Subrang lapit namin. Grabe! I can't breath ang bango 'day!
"Aze! Ayus na ba ang pakiramdam mo?"
Agad na tumayo si Lola Sandra mula sa sofa ng makita kaming papasok. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko na parang sinusuri ang mukha ko. Ngiti lang ang sinagot ko dahil naramdaman ko ang bahagyang paghila sakin ni Jax hanggang makaupo kami sa sofa.
"Ano bang nangyari talaga?"
Sabi rin ng nanay ni Jax habang mapanuri rin akong tinitingnan. Naiilang naman ako dahil lahat sila sakin nakatingin. Nakaupo ako sa gitna ni Lola Sandra at Jax habang kaharap namin si Kent at Ma'am Leah. Si Kiana naman nakatayo lang sa may gilid ni Kent ayaw maupo.
"A--Ano po kase..."
Napakagat ako sa aking labi. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila. Ayoko naman ng idawit ang pangalan ni Kyla hahaba lang ang usapin.
"Nagluluto po kase kami ng sinigang nun ng biglang pumasok sa kusina si Kyla-"
Nataranta naman ako ng magsimula ng magkwento si Kiana. Ang daldal talaga kahit kailan.
"Kiana!"
Suway ko dito at tatayo pa sana ako para lapitan sya pero agad akong pinigilan ni Jax.
"Speak!"
Utos nito kay Kiana napayoko nalang ako at hinayaan sila. Wala rin naman akong magagawa napaka bossy kaya ni Jax.
"Yun na nga po. Tinulak sya kaya nabuhusan po sya nung kumukulong sabaw..."
Nagulat ako ng humigpit ang hawak ni Jax sa kamay ko. Hala! Kanina pa pala nya hawak ang kamay ko!?
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko dahil kaharap namin ang nanay nya pero lalong humigpit lang ito kaya hindi ako makatingin sa kanya.
"Who's Kyla?"
Nakayoko nalang ako at nakikinig ayokong makita ang reaction nila. Narinig ko lang ang pagsinghap ni Lola Sandra at Ma'am Leah.
"Yun pong pinaalis nyo na katulong..."
Ang daldal talaga ni Kiana kahit kailan.
"How about noong nalunod sya?"
Doon ako napaangat ng tingin sa tinanong ni Lola Sandra. Hindi ko alam pero kinakabahan lang ako para sa reaction ni Jax.
"Nalunod?"
Malamig na tanong nito at ramdam ko ang titig nito sakin. Wag kangang kabahan Aze! As if naman! Assuming ka talaga!
"Opo. Si Kyla din po may gawa nun!"
Halata ang pagkainis sa boses ni Kiana. Pero hindi yun ang nakaagaw ng atensyon namin. Kundi ang pagalit na pagtayo ni Jax at sa isang iglap lang hawak nya na sa kwelyo si Kent.
Ano na naman ba ito?
"About what you said in the hospital... Abou. Her. Soft..."
Hindi ko na narinig yung huli dahil ang hina na ng boses nya at nakakakilabot.
"Woah! Dude chill! I can Explain... oh f*ck!"
Tinaas ni Kent ang dalwang kamay nya na parang sumusuko dahil maslalong himigpit ang pagkakahawak ni Jax sa kwelyo nya.
"Better. Explian. Right. Now. Kent."
Padiin ang bawat mga salitang binibitiwan nya. Nagkatinginan naman kami ni Lola Sandra ano ba talaga ang nangyayari.
"Si--Sir... emergency na po kase yun kaya wala na po kaming pagpipilian..."
Kita kong ang pagkataranta kay Kiana. Ano ba talaga ang pinag-uusapan nila. Her soft ano? At sinong Her ba iyun?
Ako ang napangiwi ng pabalyang binitiwan ni Jax si Kent kaya napaupo ulit ito sa sofa.
"Andun ka pala bakit hindi ikaw nag gumawa nun!?"
Pagalit na baling naman nito kay Kiana na. Narinig ko ang mahihinang tawa nila Lola Sandra at Ma'am Leah. Ano yun? Ako lang ang walang alam sa nangyayari dito?
"Hi--Hindi po kase ako marunong Sir"
Nakayukong paliwanag nito. Sarap nilang pagsasapakin! Bakit wala akong alam.
Napamaang nalang ako ng humarap sakin si Jax at masama ang tingin sakin. Namumula ang leeg at tainga nito.
Hindi po mapigilang medyo matawa dahil ang cute nitong tingnan. Nagmamartsang umakyat naman ito sa taas. Walkout ulit?
"Hehe... Jelly Jelly"
Nasisiyahang sabi ni Kiana na lalong kinakunot ng noo ko. Ang bang mga pinagsasabi nila?
*****
Kinabukasan nahihiya ako sa iba dahil wala talaga akong ginagawa. Ayaw nila akong pakilosin kahit sinabi kong wala naman na akong lagnat. Kaya pa namang gumalaw ng isang braso ko pero kahit anong pilit ko ayaw talaga nila akong patulongin.
"Ate Aze! Suot mo daw tapos punta ka sa kwarto ni Sir Jax..."
Sabi sakin ni Kiana sabay abot sakin ng isang malaking polo na kulay puti ang isang itim na tube. Pagkasabi nya nun ay iniwan nya kaagad ako. Anong meron? Bakit ako pinapapunta doon? At bakit ganito dapat ang suot ko?
Pero para masagot ang tanong ko ginawa ko nalang. Medyo nahihirapan nga lang ako magbihis mag-isa pero kinaya naman. Matapos yung ay pumunta na ako sa kwarto ni sir Jax.
Sinalubong agad ako ng pabango nya na hindi nakakasawang amuyin. Saka ko sya nakitang nakupo sa kama nya. Nailang naman ako ng tingnan ako nito mula ulo hanggang paa.
"My polo looks good on you..."
Seryosong sabi nito na ikina pula naman ng mukha ko. Kanya pala'to? Paulit ulit Aze!? My polo nga daw diba. Kaya pala ang laki.
"Hah? Pati po yung tube inyo din?"
Ang kalmadong mukha nito kanina ay napalitan ng pagkairita.
"Are you crazy!?"
Bulyaw nito sakin nakinangiwi ko. Nagtatanong lang naman eh. Di ko naman sinabing ano sya.
"Sit here..."
Malamig na sabi nito habang tinuro ang space sa tabi nya. Nag-aalangang sumunod naman ako. Umalis sya saglit at pagbalik nya may dala na ayang mga panlinis sa sugat ko.
"Bo--Boss ako nalang..."
Nagkanda utal utal pa ako at aagawin sana sa kanya pero iniwas nya ito sa kamay ko.
"Wag kang pasaway. Hindi mo naman kaya. Unbotton!"
Napalunok naman ako. Unbotton na naman ayang nalalaman. Ang talino din nito eh! Kaya pala pinagsuot ako ng tube. Tatlong butones lang ang tingnanggal ko.
"Tell me if it hurts..."
Sabi nito habang sinisimulan ng linisin ang sugat ko. Napakagentle ng paggalaw nya at halatang nag-iingat. Habang ginagawa nya yun ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya.
Matangos na ilong
Mahabang pilik
Makapal na kilay
At! Kissable lips-
"Awww!!!"
Daing ko ng medyo napadiin ang ginahawa nito.
"I'm sorry... Stop staring at me it's making me uncomfortable..."
Sabi nito ng hindi tumingin sa akin pinamulahan naman ako ng pisngi bago ng iwas din ng tingin. Nakakahiya ka Aze! Ramdam pala nya ako titig ko.