Aze's POV Hindi ko na alam kong saan kami sunod na pupunta basta hindi na si Jax ang driver si Kent na kaya kami naman ang nasa likod nakaupo. Habang may music tawa kami ng tawa kase yung magjowang si Czarina at Prince sumasabay sa kanta para namang sinisigaw lang nila yung lyrics. May pagpalo panga sila sa upuan eh.! Kunwari daw drum yun di ata nila napapansin na sila yung nagpapasama sa kanya. Hehe... "Tigil Manong driver!" Napapreno din naman agad si Kent sa sigaw ni Prince. "Manong What!?" Iritang baling nito kay Prince tapos masamang tumingin kay Kiana dahil nagtatawa ito. "Hehe!! Dito muna tayo masaya dito!" Sabay turo nya kung nasaang tapat kami. Hindi ko alam kong ano ito pati nga author hindi alam kong anong tawag dito basta namalayan ko nalang na nakasakay kami sa parang

