Aze's POV Kinabukasan... Ano na naman yung nakatokang maglinis ng pool. Jusko! Parang maytakot pa ako dito. Lalo na at maysugat parin ako pero maliit naman na hindi na gaya nung una. Nakakakilos naman na ako ng maaliwalas naghihilom naman na eh. "Aze tawag ka ni Ma'am Leah" Tawag sakin ng isa pang kasamahan namin dito bilang katulong pero medyo may edad naman na sya. "Sige po Ate sunod na ako" Matatapos narin naman ako dito binilisan ko talaga dahil baka mahulog na naman ako. Agad naman akong pumunta sa... hindi ko pala alam kong saan sila pupuntahan no? Dapat pala tinanong ko. "Aze Ija!" Ayun! Pagtawag sakin ni Ma'am Leah habang pababa sila ng hagdan ni Lola Sandra. Parang maypupuntahan ang dalwang ito ah. "Ahh. Pinatawag nyo daw po ako?" Inalalayan ko narin bumaba si Lola

