Aze's POV Matapos nun tahimik lang ulit syang nagmaneho pabalik pero nakangiti sya. Maging ako naman hindi maalis ang ngiti ko sa labi hawak nya pa sa kabilang kamay nga yung kamay ko. Minsan minsan nya ding hinahalikan. Kaya lumalandi na naman si ako. Nangmalapit na kami ulit sa bahay ramdam ko na humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Naging seryoso din ang mukha nya kaya napatingin ako sa tinitingnan nya. Nandun parin si Clyed nandun na din si Lyra nagbabalat sila ng mangga. "Girlfriend ni Clyed yung babae..." Bumaling naman sya sakin na nginitian ko kaagad pero tumango lang sya... "Jax!" Seryosong tawag ko dito. Alam ko yang mga tingin nyang ganyan. "Oh right. Oh right." Naiinis at napipilitang sabi nito napailing nalang ako. Pagkapark palang nya ng kotse bumababa agad ako at tum

