Mika POV Nagising ako sa office ko. Madilim. Tahimik. Walang tao. Napakunot ang noo ko. “Hey… patay ba ang ilaw?” bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako. Naglakad. Pero habang papalalim ako sa hallway, lalo itong nagiging malamig. Bigla, may boses. Mahina. Pamilyar. “Ate Mika…” Nanlamig ang buong katawan ko. “Bakit mo ginawa ’to sa akin?” Napalingon ako. Walang tao. Pero naririnig ko siya. “Bakit mo ako pinatay?” Napaatras ako. “Wala naman akong ginawa sa’yo…” Boses ni Cathy. “Kinukuha mo na ang Daddy ko…” “Pati si Troy…” “Bakit…?” “Asan ka?! Magpakita ka!” sigaw ko. Hindi ako matatalo. Hindi ako matatakot. “Hindi mo ako matatalo, Cathy!” dagdag ko. “Isa ka lang na mataba—” Naputol ang salita ko. Dahil sa dulo ng hallway, may nakatayo. Basang-basa. Mahab

